Wednesday , July 6 2022

Xbox account ng ama na-hack ng 5-anyos totoy

NAGAWA ng 5-anyos Californian

boy na ma-hack ang Xbox secu

rity system.

Si Kristoffer Von Hassel, mula sa San Diego, ay pinuri ng Microsoft makaraan ma-hack ang Xbox Live account ng kanyang ama nang hindi ginagamit ang tamang password.

Nang lumabas ang login screen, walang ginawa si Kristoffer kundi pindutin nang ilang beses ang space button.

Sa pamamagitan nito, nagawa niyang makapasok sa back door nang hindi na kailangan pa ng password.

Hangang-hanga ang ama ng paslit na si Robert Davies, nagtatrabaho sa computer security, na ini-record ang video ng proseso at ipinadala sa Microsoft.

Mabilis na inayos ng security team ng Microsoft ang bug at inilagay ang pangalan ni Kristoffer sa Xbox website, at inilista bilang “security researcher”.

Nang makita ang kanyang pangalan sa online, sinabi ni Kristoffer: “I’m gonna be famous!”

Hindi ito ang unang pagkakataon na namaniobra niya ang teknolohiya. Noong siya ay isang taon gulang pa lamang, na-unlock niya ang cellphone ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagpindot sa ‘Home’ button.

(ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Check Also

Rachel Villanueva

Rachel ng Viva Hotbabes matagumpay na negosyante 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANG-MMK o Magpakailanman ang istorya ng buhay ng dating Viva Hotbabes na si Rachel Villanueva na ngayon …

Piolo Pascual Sunlife

Piolo nahanap na ang partner in life, ‘di iiwan ang showbiz

HINDI pa iiwan o magreretiro si Piolo Pascual sa showbiz. At matagal pa rin bago siya makahanap …

Krystall Herbal Eye Drops

Paningin luminaw sa Krystall Eye Drops, eyebags lumiit sa Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si Maria Felicitas Dueñas, 45 years old, naninirahan …

Rhea Tan Beautederm

Local ambassadors sa Pampanga proud maging bahagi ng Beautederm family

ni Glen P. Sibonga KASABAY ni JC Santos at ng misis niyang si Shyleena Herrera na inilunsad bilang ambassadors …

JC Santos Beautéderm BeautéHaus Rhea Tan Shyleena Herrera

Kahit lalaki dapat nag-aayos ng sarili — JC Santos

MATABILni John Fontanilla PORMAL nang ipinakilala  ng Beautederm ang mahusay na dramatic actor na si JC Santos bilang opisyal …

Leave a Reply