Bala ng kanyon nahukay sa Binondo

NAHUKAY ang dalawang bala ng kanyon gamit ang back hoe, sa ginagawang drainage system sa Muelle del Industria, sa Binondo, Maynila, iniulat kahapon.

Tinatayang nasa  isang  tonelada at halos tatlong metro ang haba ng isang bala ng kanyon at ang isa’y nababalot ng semento nang nahukay ng mga trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa lugar.

Ayon kay Manila Police District  Bomb Squad chief Insp. Arnold Santos, simplified ang porma ng mga bala na hinihinalang ginamit noong panahon ng Kastila.

Ang nahukay na bala ng  kanyon ay ipauubaya sa kustodiya ng MPD Bomb Squad.

(leonard basilio)