Aries  (April 18-May 13) Hindi ka mag-aatubiling iwanan ang nakaraan at haharapin nang matapang ang kinabukasan.

Taurus  (May 13-June 21) Huwag sosolohin ang trabaho, hayaang kumilos din ang ibang empleyado.

Gemini  (June 21-July 20) Sikaping malabanan ang malakas na impluwensya ng mga kaibigan.

Cancer  (July 20-Aug. 10) Itigil ang pagbubuo ng mga plano para sa kinabukasan, posibleng hindi ito maging epektibo.

Leo  (Aug. 10-Sept. 16) Mainam ang sandali para sa pagbubuo ng bagong proyekto ngayon.

Virgo  (Sept. 16-Oct. 30) Posibleng makaranas ka ng maigsing love affair.

Libra  (Oct. 30-Nov. 23) Kung nais mong magtagal ang relasyon, pakinggan din ang opinyon ng kapareha.

Scorpio  (Nov. 23-29) Kung umaasam ng tagumpay sa proyekto ngayon, ang pagiging masipag ay hindi sapat.

Sagittarius  (Dec. 17-Jan. 20) Ikaw ay puno ng inspirasyon at makukuha ang atensyon na iyong kailangan.

Capricorn  (Jan. 20-Feb. 16) Samantalahin ang pagkakataon na ito na maayos ang mga gusot sa pamilya at personal na relasyon.

Aquarius  (Feb. 16-March 11) Magiging mai-nam ang araw na ito para sa iyo. Bagama’t hindi ito ang makareresolba sa problema, magkakaroon ka ng kompyansa sa sarili.

Pisces  (March 11-April 18) Susunggaban mo ang oportunidad sa negosyo, love life o bagay na mapagkakakitaan.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Paborable ang umaga ngayon para sa pagtatapos ng mga proyektong nasimulan.

Lady Dee