Lola patay, 19 sugatan sa van vs motorsiklo

PATAY ang 70-anyos lola habang 19 ang sugatan sa salpukan ng van at motorsiklo sa Divisoria, Zamboanga kamakalawa.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-overtake ang motorsiklo ngunit nahagip ito ng van kaya nawalan ng kontrol at naipit sa concrete barrier.

Hindi pa nakukuha ng pulisya ang pangalan ng namatay na 70-anyos lola at mga nasugatan.

Ngunit ayon sa pulisya, ang namatay ay backrider ng motorsiklo. (BETH JULIAN)