P214.3-M jackpot ng 6/55 Grand Lotto wala pa rin nanalo

WALA pa rin nakapag-uuwi ng P214,330,176 jackpot prize ng 6/55 Grand Lotto.

Ito’y makaraang mabigo ang mga tumaya sa nasabing lottery game sa pinakahuling draw.

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang nakapagtaya sa lumabas na kombinasyong 33-03-35-31-19-38.

Dahil dito, inaasahang lalo pang tataas ang pot money ng Grand lotto.

Ang regular draw schedule ng 6/55 ay tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.