Monday , July 4 2022

Jake, kinausap si Direk Louie, para maiba ang atake bilang adik

 ni  Roldan Castro

SA pangatlong pagkakataon ‘adik’ na naman ang role ni Jake Vargas sa bagong indie movie na gagawin niya entiled Asintado sa ilalin ng direksiyon ni Louie Lagdameo Ignacio. Kasama ito sa 10th Cinemalaya entry na first time na sasabak sa indie si Direk Louie, ganoon din ang ibang cast gaya nina Aiko Melendez, Gabby Eigenmann, at Rochelle Pangilinan.

“Ang role ko rito ay anak  ni Ms. Aiko, malapit ako sa  masasamang influence ng ibang tao. Hindi ko alam na drug pusher ‘yung  kasama ko. Challenge sa aking ‘yung role, sabi nga direk, ibahin ko ‘yung atake ko kasi ‘yung dating indie na ginawa ko, ganoon din, dalawang indie film na yata ‘yung ginawa ko na parang drug addict ‘yung role,” sey ni Jake sa storycon at launching ng Asintado.

First time rin ba nila magkasama ni Direk Louie?

“Oo. First time kong makatrabaho si Direk pagdating sa acting kaya medyo kinakapa ko si direk kung ano ang gagawin ko tama ba itong gagawin ko? Tama ba itong iniisip ko? Ano ba ‘yung gagawin kong pag-atake sa acting?” sambit niya.

Marami ang nakapansin na nangangayayat si Jake. Tinanong sa kanya na baka dahil may personal problem sila ni Bea Binene?

“Ay, hindi po. Siguro sa trabaho lang po. Laging puyat,” tugon niya.

Paano niya na-handle ‘yung isyu sa kapatid  niya na nakipag-away umano sa mommy ni Bea?

“Kasi po, parang  hindi ko na rin pinansin. Kung papansinin mo, lalaki rin naman. At saka, okey naman sila ate ko at sa side nina Bea. Wala namang problema. Siguro  nandoon lang ‘yung selos  na.. hindi naman nawawala. Siyemre, kapatid ako, ‘di ba?”

Nagseselos ‘yung kapatid mo kay Bea, ganoon ba?

“Hindi naman…parang ano lang naiiba ‘yung atensiyon ko. Naibabaling ko lang kay Bea,”paliwanag niya.

True ba na dadalhin ni Jake si Bea sa kanila sa Holy Week?

“Yes, opo, roon po kami sa Subic ,” mabilis niyang sagot na magkakasama ang pamilya niya at pamilya ni Bea.

“Okey naman  ang mga family namin,” deklara pa ng young actor na pabor naman sa relasyon nila.

Umaabot na raw ng two years at 5 months ang relasyon nina Jake at Bea. Kinse-anyos daw si Bea noong sagutin siya at 19 siya. Five years ang agwat nila.

Mahirap ba mag-alaga ng girlfriend na mas  bata kaysa kanya?

“Hindi naman..kasi si Bea matured na rin kasi ang pag-iisip niya. Nagkakaliwanagan naman kami. Okey kami. ‘Yun  ang maganda roon, hindi kami ‘yung…kumbaga, age doesn’t matter,” saad pa ng binata.

Bakit natsismis na nagli-live-in sila?

“’Yun nga po, eh. Noong marinig ko sa balita, huh? Wala po ..kaya tinatawag nila na nagli-live-in kami ni Bea kasi inihahatid ko siya sa kanila. Siyempre, being gentleman, ‘di ba? Boyfriend niya ako, girlfriend, kumbaga, gusto ko lang maging marespeto sa kanila. At saka nirerespeto ko naman si Tita (Mommy Carina) at saka ‘yung family niya.”

Ano naman ang reaksiyon niya na natatalbugan na raw siya nina Kristoffer Martin, Alden Richards, Elmo Magalona na panay ang pagbidida sa mga serye? Hindi ba siya nai-insecure?

“Hindi naman po. Okey lang naman sa akin kasi pana-panahon din naman po ‘yan, eh! At least, maski paano mayroon akong mga show na malaking exposure na rin ‘yun sa akin sa TV,” bulalas ni Jake.

“Okey lang naman po basta ako naghihintay pa rin ako kung bibigyan ako ng GMA ng serye,” dagdag pa niya.

Tsuk!

About Roldan Castro

Check Also

Kris Aquino Josh Bimby

Mag-iinang Kris, Josh, at Bimby nagpositibo sa Covid

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INIHAYAG ni Kris Aquino na nagpositibo siya gayundin ang mga …

Dennis Padilla Leon Barretto Padilla

Emosyon ni Dennis ibinuhos sa sulat sa anak

MATABILni John Fontanilla PUNUMPUNO ng emosyon ang liham ni Dennis Padilla sa kanyang anak na lalaki kay Marjorie …

JC Santos Rhea Tan Shyleena Herrera Beautéderm BeautéHaus

Misis ni JC never pinagselosan si Bela

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKABIBILIB ang ugali ng misis ni JC Santos tungo sa pagkakaroon ng …

John Lloyd Cruz Isabel Santos

Isabel Santos dinalhan ng cake si Lloydie

I-FLEXni Jun Nardo LUMANTAD na ang rumored girlfriend ni John  Lloyd Cruz na si Isabel Santos. Umapir si …

Isko Moreno Joaquin Domagoso

Yorme Isko lolo na 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG sagot sa text namin si Daddie Wowie Roxas, manager ni Kapuso actor Joaquin …

Leave a Reply