Tuesday , July 5 2022

4 patay sa banggaan ng trike vs van

SAN FERNANDO CITY, La Union – Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to property ang kahaharapin ng driver ng delivery van na bumangga sa tricycle na ikinamatay ng apat katao sa national highway ng Brgy. Urayong sa bayan ng Caba, sa lalawigan ng La Union dakong 6:25 p.m. kamakalawa.

Kinilala ang driver ng van na si Noel de Leon, 40, residente ng bayan ng Rosales, Pangasinan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Caba Municipal Police Station, binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Benlor Tungpalan, residente ng Brgy. Talogtog sa bayan ng San Juan, La Union, ang kalsada nang bigla na lamang pumutok ang gulong sa harapan ng kanyang sasakyan kaya nawalan ng kontrol, kasunod ang pagbangga sa kasalubong at humaharurot na van.

Agad dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando, La Union ang tricycle driver kasama ang tatlo pang sakay na kinabibilangan ng kanyang 12-anyos anak na si Joy Tungpalan at ang mag-amang Nelvin Basco at Harold Basco, 12, ngunit binawian sila ng buhay habang nilala-patan ng lunas.

Habang minor injury lamang ang dinanas ng driver ng van na ngayon ay nasa pangangalaga ng nabanggit na himpilan ng pulisya.

(LAYANA OROZCO)

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply