Wednesday , June 24 2026

Mika, inalis sa Luv U para sa Mira Bella

ni  ROLDAN CASTRO

SA teaser pa lang ng Mira Bella, effective na kontrabida si Mika  dela Cruz kay Julia Barretto. Dahil sa seryeng ito ay  nawala siya sa youth oriented show na Luv U dahil conflict sa schedule niya.

Flirty, flirty na model  ang role niya kaya humingi siya ng tips sa ate niyang si Angelika dela Cruz. May pagka-boyish kasi siya  sa pagtayo, pananamit kaya nagpapaturo siya sa ate niya. “Be natural,” ang payo pa ni Angelika sa kanya pagdating sa acting.

Ang pambu-bully sa kanya noong elementary siya ang pinaghuhugutan niya ng galit sa mga eksena niya sa Mira Bella.

“Kasi po artista ako. Yeah before, pero sobrang light lang naman. Grade two po ako noon. Parang lagi lang nilang sinasabi na porke’t artista, ganoon, na hindi naman po talaga dahil lagi po ako, never po akong nawala sa honor role.

“Sobrang sipag ko po na student and ‘yun po, they’re using it against me na parang dahil artist ako kaya kahit hindi ako masyadong pumapasok nasa honor roll ako,” kuwento niya.

Tumigil daw ang pambu-bully sa kanya noong tumigil siya sa school.

“Nag-stop ako ng one year kasi nagkasakit ako; primary complex? And ‘yung gamot na ‘yun ang naging side effect sa akin is depression. Parang ayokong maiwan sa school, feeling ko mapapahamak ako, feeling ko may papatay sa akin, so I didn’t go to school for one year,”  bulalas pa niya.

Anyway, silang dalawa raw ni Sam Concepcion ang masamang nilalang sa Mira Bella. Kasama  rin sina Enrique Gil, Pokwang, John ‘Sweet’ Lapus, Mylene Dizon, James Blanco, Liza Diño, DJ Durano, Arlene Muhlach, Alora Sasam, Diego Loyzaga, Nikki Bagaporo, Alexandra Macanan, Noemi Oineza, Ryle Paolo Tan, at si Miss Gloria Diaz.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …

Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …