Thursday , May 2 2024

GM Al Vitangcol inutil sa MRT palitan na!

00 Bulabugin JSY

AYAW kong isipin na si MRT general manager Al Vitangcol ay nanghihiram ng kapal ng mukha kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at SILG Mar Roxas.

Pero batay sa kanyang huling pahayag, ipinagmamalaki ni Vitangcol na hindi raw siya magre-resign dahil ang kanyang panunungkulan ay nakabatay sa ‘kasiyahan’ ni ‘Secretary’ at ni ‘Pangulo.’

Yaaakkks!!!

Hindi man lang ba naalibadbaran si Vitangcol nang kaladkarin niya ‘yang salitang Secretary at President?!

Kahit binibigyan na niya ng malaking kahihiyan ang matataas na opisyal na nagpapala sa kanya ay ipinagsisiksikan pa rin niya ang kanyang sarili?!

Aba, para sa kaalamanan mo, wala nang nasisiyahan sa serbisyo mo, Mr. Vitangcol!

Dati ay hanggang hagdanan lang ang pila ng MRT/LRT pero ngayon limang bloke na sa kalye ang inihaba ng pila ng pasahero bago makaakyat sa terminal.

At pagdating naman sa terminal ay mahina ang 20 minuto  para makasakay ang pasahero.

Ang naging solusyon ni Vitangcol sa haba ng pila, magtayo ng LONA at maglagay ng water station para sa mga pasahero.

Nakita ninyo ang solusyon? Dagdag gastos para sa kompanya.

Ano ba talaga ang ginagawa mo VITANGCOL?! Magpakaang-kaang at magpalaki lang ng BETLOG?!

Ang daming incompetent sa ibang ahensiya ng pamahalaan na ipinasibak ng Pangulo bakit hindi ka pa isinama?!

Bagyo ka ba talaga kay Sec. Mar Roxas!?

Aba, ilang beses nang nagkaletse-letse ang operasyon ng MRT sa  administrasyon mo Mr. Vitangcol, nasangkot ka pa sa maanomalyang transaksiyones, ‘e naririyan ka pa rin at buhay na buhay!

SONABAGAN!!!

Siguro naman nakapunta ka na sa Hong Kong, araw-araw, ang daming taong sumasakay sa MTR nila, lokal at mga turista, pero hindi humahaba nang ganyan ang pila.

Ano ba ang gusto mong i-JUSTIFY Mr. Vitangcol? Na kailangan na talagang bumili ng bagong COACHES?!

You’re no longer an asset … huwag mo nang bigyan ng kahihiyan ang mga BOSSING mo, mag-RESIGN ka na lang!

Pwede ba?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *