Thursday , June 4 2026

Peace Pact ‘inulan’ ng bato sa sagupaan ng KM vs Muslim

032814 pnoy bangsamoro
SINAKSIHAN nina Pangulong Benigno Aquino III ang paglagda ng magkabilang-panig sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) kasama sina Executive Secretary Paquito Ochoa, Jr., Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Teresita Quintos-Deles, Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Regional Governor Mujiv Hataman at GPH Peace Panel Chairperson Professor Miriam Coronel-Ferrer. (JACK BURGOS)

KASABAY nang paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro ay nagpang-abot, nagkabatuhan at nag-kabugbugan ang mga mi-litanteng grupo ng Kabataang Makabayan at mga nag-vigil na Muslim sa Mendiola, Maynila, kahapon ng umaga.

Una rito, nagsagawa ng vigil ang kapatirang Muslim  bilang pagbu-bunyi sa paglagda  ng Government of the Republic of the Philippines at MILF sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) sa Malacañang , kahapon.

Halos kasabay rin  ang isinagawang lightning rally ng mga militanteng tagasuporta ng CPP-NPA-NDF,  na may ka-ugnayan sa paggunita ng ika-45 taon ng pagka-katatag ng New Peoples’ Army (NPA) sa Marso 29.

Nagpoprograma umano ang mga Muslims bilang pagbubunyi sa paglagda ng CAB sa Mendiola bridge, nang biglang sumulpot ang grupo ng Kabataang Makabayan mula sa Bustillos na nagsisigawan, papalapit sa Mendiola bridge.

Dahil sa inakalang manggugulo, agad dumepensa ang grupo ng libo-libong  Muslim na nakabase sa Metro Manila at ang iba ay mula pa Mindanao at sinugod ang mga aktibista hanggang nagkahabulan na nagresulta sa pagkasugat ng sampung aktibista.

Napayapa lamang ang magkabilang kampo nang mamagitan ang mga kagawad ng Manila police sa pamamagitan ni Supt. Marcelino Pedrozo na nakiusap sa mga raliyista at mga mananampalata-yang Muslim na maging mahinahon.

(leonard basilio)

PULIS, 2 AKTIBISTA SUGATAN SA US EMBA

Sugatan ang dalawang raliyista at isang pulis sa isinagawang kilos-protesta ng grupong Bayan sa harap ng US Embassy sa Roxas Bouvelard, Maynila, Huwebes ng umaga.

Nagkatulakan at nagkapukpukan nang pigilan ng mga pulis ang mga militante na maka-lapit sa gate ng US Embassy para sunugin ang bandila ng Estados Unidos.

Kinilala ang dalawang sugatang raliyista na sina Nestor Villanueva, nagkasugat sa noo at si Mika dela Cruz na may sugat sa ulo.

Sa panayam, sinabi ng mga nasugatan na pinukpok sila sa ulo ng isang pulis.

“Sinisilaban namin ‘yung flag ng US, nagpupumilit ‘yung mga pulis na kami’y maitulak tapos kakaatras ko noong nagpupumilit sila, pinalo ako sa mukha ng isang pulis,” sabi ni Villanueva.

Sa panig ng mga pulis, napaso sa kaliwang kamay si PO1 Edmar Castillo, nang sanggain niya ang sulo na ihahampas sana sa kanya ng isang raliyista.

Ang kasamahan ni-yang si PO2 Ryan Paculan ay nasunog ang maliit na bahagi ng uniporme.

Isang raliyista ang tinangkang arestohin matapos makipagsapakan sa mga pulis pero pinakawalan din.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …