Thursday , June 4 2026

2013 Miss World Megan Young may shower scene sa pelikula! (Candy Pangilinan dakilang nanay)

ni  Art T. Tapalla

MEDYO na-curious yellow tayo sa ating nasulyapang post sa yahoo, hinggil sa trilogy movie, ang “Bang, Bang Alley” na ginawa ng tatlong medyo bago sa pandinig sa larangan ng pagdirehe ng pelikula.

Tampok sa “Pusakal” episode ang 2013 Miss World na si Megan Young, sa karakter na Abbey, dinirehe ng singer/composer  Ely Buendia (kasama sina King Palisoc (“Makina”) at si Yan Yuzon (“Aso’t, Pusa, Daga”).

Ani Buendia, hindi pa sumasali sa Miss Philippines-World si Megan nang kanilang gawin ang “Bang, Bang, Alley”, na ang tema ay tipong action-thriller.

Umaapaw ang papuri ni Ely sa kanyang artistang si Megan: “Sobrang  walang sakit sa ulo. Super down to earth at super nice. Whatever you asked her to do, she would do it without question and with conviction,” ani ng nagpasikat sa awiting theme song ng “Dekada ‘70″, ang “Hanggang.”

Ayon pa kay Ely, wala siyang narinig na reklamo mula kay Megan, kahit nu’ng ipagawa niya ang isang shower scene.

Tampok sa “Bang, Bang , Alley” ang mga bigating actor sa pangunguna ni Joel Torre, Art Acuña,  Pede Bautok, Gabe Mercado, Bela Padilla, Jimmy Santos, Althea Vega, Jaime Wilson, at iba pa.

Ang nasabing indie film ay initial movie venture ng Curve Entertainment at Nimbus Films, na palabas na sa Abril 9, 2014.

CANDY PANGILINAN, HUWARANG INA

Saludo tayo kay Candy Pangilinan sa kanyang paglalahad hinggil sa anak niyang ‘special child’, si Quentin Alvarado, na ayon sa mga ekspertong mediko, may attention deficit hyperacidity disorder (ADHD) plus “high sensory integration problem” si Quentin.

Ayon sa kwento ng mahusay na actress, sa presscon ng kanilang bagong proyekto, ang “Beki Boxer,” kapag sinusumpong ng kanyang sakit si Quentin (noon) ay  inuumpog niya ang kanyang ulo sa dingding. Salamat at sa kanyang matiyagang pag-aalaga (consistently) ay naka-recover na si Quentin.

At ang karanasan ni Candy sa pag-aaruga sa kanyang anak ay kanyang isasa-libro para magsilbing inspirasyon sa maraming ina na merong katulad na problema ng kay Quentin.

Samantala, very proud si Candy sa kanyang role bilang nanay ni Alwyn Uytengco, ang title roler sa “Beki Boxer.”

“UNDERGROUND” CATHOLIC BISHOP SA CHINA

PUMANAW NA!

INILIBING na noong Sabado, Marso 22,  ang kinikilalang “underground” Chinese Catholic Bishop, si Joseph Fan Shangliang, 97, sa Shanghai.

Dumagsa ang libo-libong taga-suporta ni Bishop Fan sa burol ng “aktibistang” Obispo, sa Shanghai Square.

Si Bishop Fan ang kinikilalang lider ng may 12-M Katoliko sa China, sa kabilang mahigpit ang pamahalaan Tsina sa pagdaraos ng iba’t ibang aktibidades ng “underground” Catholics sa kanilang bansa.

Na-ordenahan bilang pari si Joseph Fan noong 1951, at siya’y hinirang na Obispo noong 2000 ni Pope John Paul II, pero hindi kinilala ng pamahalaang Tsina.

Dahil sa kanyang masidhing pagtalima sa doktrina ng mga Katoliko, mahigit dalawang dekada (20 taon)  ikinulong si Bishop Fan bukod pa sa mga labor camps.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …