Thursday , June 4 2026

Baril ni mayor ginamit sa suicide ng kapatid

DAGUPAN CITY – Patay na nang matagpuan ang kapatid na babae ng isang alkalde sa kanilang bahay sa Brgy. Gumata, San Carlos City, lalawigan ng Pangasinan.

Pinaniniwalaang nagbaril sa sarili ang 18-anyos kapatid ni San Carlos City Mayor Jullier “Ayoy” Resuello na isang nursing student.

Gamit ang caliber .22 baril na pagmamay ari ng alkalde, winakasan ng estudyante ang buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo.

Hawak pa ng dalaga ang kanyang cellphone habang duguang nakahandusay sa sahig ng kanyang silid.

Labis ang pagtataka ng pamilya kung ano ang sanhi ng pagpapakamatay ng biktima lalo’t hindi nila kinakitaan ng ano mang senyales ng depression at wala rin nababangit na problema sa pamilya.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …