Thursday , May 2 2024

Nagpa-power trip ba si MTPB Chief Carter Logica!?

00 Bulabugin JSY

ABUSADO raw ba at nagsisiga-sigaan ang hepe ng MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU (MTPB) na si Carpenter ‘este’ Carter Logica lalo na kung lango sa alak?

‘Yan po ang sinasabi ng mga kalugar n’ya sa BALUT Tondo, Maynila!?

Marami na rin ang nagrereklamo sa kanyang sariling lugar sa isang MATAPANG at SIGA kuno na si CARTER LOGICA na nakikitang may sukbit na baril kapag nauulol ‘este’ nalalasing umano. Ang trip daw ni Carter ay manita at manindak ng mga nakaparadang trak sa kanyang lugar kapag medyo may ‘tama’ na sa alak sabay tawag sa RWM towing para batakin ang mga POBRENG TRAK sa kanyang lugar.

Minsan nga raw may pumalag sa kanyang trak driver na nagbibigay naman ng ‘tong’ sa MTPB na pinagmumura at inaway-away n’ya. ‘E kaso hindi siya nakilala ng driver at akmang papatulan kaya biglang bumunot at inilabas ang bayag ‘este’ baril n’ya sabay paki lala na siya ang herpes ‘este’ hepe ng MTPB. Kasunod nito ay tumawag ng maraming towing trak at ipinahatak lahat ng trak na nandoon.

Sonabagan!!!

Ito pa, tinuturuan pa raw ng isang MTPB official ang dalawang PULIS sa MPD-NORTHBAY COMPAC na MANGOTONG ng tig-P500 hanggang P1,500 kada TRAK na daraaan sa nasabing POLICE OUTPOST at ang estilo ay hahanapan ng butas ang trak na daraan kahit walang kaukulang checkpoint signage.

Inisyuhan pa raw ng MTPB ng traffic tickets ang dalawang panggabi na bagitong pulis para gamitin sa pangongotong sa mga pobreng trak drivers.

MTPB CARTER “TOTOY” LOGICA, ganyan ba talaga ang kalakaran ngayon sa MTPB?

Tandaan mo Carter Logica, weder-weder lang ‘yan … lahat ay may katapusan rin. Ayaw ko naman na dumarami ang nagagalit at nagmumura sa ‘yo at makita ka isang araw na nakabulagta sa lugar mo?!

Payong kaibigan ‘yan!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *