Thursday , May 2 2024

PCSO Bingo Milyonaryo ginagamit ng ex-general sa operation ng Jueteng sa Nueva Ecija

00 Bulabugin JSY

MALINAW na front lang ng JUETENG ang lumalawak na operasyon ng Bingo Milyonaryo sa Nueva Ecija.

Mismong si Rep. Carlos Padilla ang nagbunyag ng operasyong ito.

Ayon sa kongresista, sinalaula na ng mga ilegalista ang kanilang lalawigan.

Dahil hindi na nakatiis, sinulatan na ni Padilla si CIDG chief, Gen. Bejamin Magalong dahil sa pamamayagpag ng mga operator ng ‘Bingo Milyonaryo’ cum jueteng.

Mismong Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ‘e umangal na sa ginagawang paggamit sa kanila ng grupo ng isang alias Gen. Divine at alyas Boy Ka-macho.

Si Ka-macho umano ang nagsisilbing financier habang isang alias Edward Aguila ang nagsisilbing ‘dummy.’

Habang ang operator naman ay sina alias Divine at isang alyas Abe-lion.

Sina Divine at alyas Abe-lion ay kapwa galing daw sa Philippine National Police (PNP).

Ang operation nina Divine at alyas Abe-lion ay namamayagpag sa Diadi, Bayombong, Dupax Norte at Aritao.

PNP chief, Dir. Gen. Allan Purisima Sir, hindi mo ba kayang i-trace ang aktibidad ng mga dating tauhan mo na hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ang pangalan mo?!

Aksyon, PNP Chief!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *