Thursday , May 2 2024

Bakit kapag natitimbog ang mga mandarambong biglang nagkakasakit!?

00 Bulabugin JSY
HANGGANG ngayon nga ay pinagdududahan pa ang pagkakasakit ni P10-billion pork barrel scammer Janet Lim Napoles heto at isa pang mandarambong ang meron na naman daw sakit.

‘Yan ay walang iba kundi si Globe Asiatique owner Delfin Lee.

Bigong makalaya si Lee matapos ipagmalaki ng kanyang mga abogado na hindi siya dapat arestohin batay sa pahayag ng Court of Appeals (CA) na walang basehan ang kasong isinampa laban sa kanya.

Kaya siguro ngayong naaresto na siya, ang bagong dahilan ni Lee ay may sakit rin daw siya.

Namamaga ang paa, nahihirapan huminga at kailangan mapadoktor, at mai-confine sa ospital etc., etc.

Noong hindi pa nahuhuli ang mga mandarambong ‘e malakas pa sa kalabaw ang katawan at pa-party party pa!?

Hindi tuloy natin alam kung ‘yang mga pagkakasakit ninyo ay dahil mga nangakarma kayo o talagang nag-iinarte lang kayo?!

Sana ‘yung una na lang!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *