Sunday , January 23 2022

Paano mawala ang Man Boobs?!?

00 try me francine prieto

Hi Francine!

I’m your biggest fan. Mayroon akong problema na gusto ko sana humingi ng opinyon mo… man boobs! Ang laki ng boobs ko hehehe panget at nakakawala ng confidence. Tamad ako mag-exercise. Please help!

JM

 

Dear JM,

Ang Man Boobs, Moobs ay technically known as Gynecomastia. Kaya lumalaki ang suso ng mga lalaki dahil sa katabaan. Iba pang dahilan kung bakit nagkakaroon kayo nito ay dahil sa sobrang pag-inom ng alak, pwede rin dahil sa paggamit ng anabolic steroids, side effect ng karamdaman, congenital abnormality na mula nang ipinanganak ka at ‘yung sumobrang pumayat ka kaya lumawlaw ang balat mo sa dibdib kaya nagmukhang suso.

Para mawala ang manboobs mo, kelangan mo pa-litan ang iyong lifestyle, kelangan ay magsimula kang maging healthy sa iyong ginagawa at lalong-lalo na sa pagkain at hindi pupwedeng short term dapat ay tuloy-tuloy na talaga para hindi na kailanman babalik ang manboobs mo.

Kailangan ay maging masipag ka rin mag-exercise, mas makabubuti kung mag-eenrol ka sa gym at magkaroon ka ng fitness program mula sa gym trainer para masiguro na tama ang iyong exercise na ginagawa.

Kung can afford ka naman meron na rin ngayon “Man boob reduction” kung saan eto ang pangalawa sa pinakasikat na cosmetic surgery lalo na sa bansang UK.

Kailangan magsimula mismo sa iyo ang pagbabago para bumalik na rin ang self-confidence mo.

           Love, Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected] or text me 0939-9596777

 

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply