Thursday , June 4 2026

Ampaw na pangulo ayaw ni PNoy sa 2016

HINDI “ampaw” na pinuno ang gusto ni Pangulong Benigno Aquino III na pumalit sa kanya sa Palasyo sa 2016.

Ang pahayag ay ginawa ng Pangulo bilang tugon sa tanong ng isang estudyante ng Christian Hope High School sa Sta. Cruz, Maynila, kung ano sa tingin niya ang kwalipikasyon ng susunod na presidente ng bansa

Binigyan ng tips ni Aquino ang  mga estudyante kung ano ang dapat na qualifications sa pagpili nila ng susunod na Pangulo sa 2016 Presidential elections.

Aniya, kailangang competent o hindi ampaw ang kandidato o  tipong isang pagkain na malasa nga pero hangin ang loob o baka maganda lang magsalita ngunit walaang laman at nagpapa-cute lang.

Dapat din aniyang consistent o hindi pabago-bago ang desisyon at hindi makasarili at uunahin ang kapakanan ng mga mamamayan.

Giit pa niya, importante rin na may kababaang loob o humility at hindi masyadong bilib sa sarili o bolero.

Sa kabuuan, sinabi ng Pangulo na mahalagang tuloy-tuloy ang ginagawa ng isang Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …