Friday , January 28 2022

Nakawan with Pedro and Juan

Isang araw, may isang Grocery ang ninakawan! Nag-im-bestiga ang mga pulis at ayon sa mga witness ay magkasama ang magkaibi-gang Juan at Pedro na nagnakaw. Dinala sa presinto ang magkaibigan…

PULIS: Totoo bang kayo ang nagnakaw sa grocery?

JUAN: Hindi ah!!!

PEDRO: Aminin na natin Juan… totoo po sir pero pinilit lang po ako ni Juan!!

(Nagalit si Juan kay Pedro)

PULIS: Wala kaming pakialam kung pini-lit lang o hindi, ang pinag-uusapan dito ay magkasama kayong nagnakaw… ang parusa ninyo ay hahampasin kayo pareho ng dos por dos sa likod.

PEDRO: Bad trip, ang sakit no’n!

Juan: Gago ka kasi, umamin ka eh!

PULIS: Pero… dahil birthday ko ngayon, choice n’yo kung ilang palo ang gagawin pero 10 na hampas ang minimum… may bonus pa, dahil feeling generous ako, bibigyan ko pa kayo ng isang kahilingan. Ang bawal lang ay ang humiling na walang palo.

PEDRO: Ako muna. Hiling ko ay 10 na hampas lang ang gagawin n’yo sa ‘kin

PULIS: Ano ang ikalawa mong kahilingan?

PEDRO: Lagyan n’yo ng dalawang unan ang likod ko. (Sinunod ng pulis ang kanyang hiling at dahil may unan ang likod nya ay hindi masyadong nasaktan si Pedro …)

PULIS: Ikaw naman Juan ano ang hiling mo at ilang palo?

JUAN: Chief, gusto kong hampasin n’yo ako ng 1000 beses …

PEDRO: Hahaha! Bobo amputa!! Andami no’n eh!

PULIS: Hmm … sige, ano ang ikalawa mong kahilingan?

JUAN: Itali n’yo si Pedro sa likod ko.

HAHAHAHAHAHA!

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply