MPD OIC district director C/Supt. Rolando Asuncion nagpasiklab agad
AGAD binulaga ni Manila Police District (MPD) OIC district director C/Supt. Rolando Asuncion ang Maynila sa kanyang pagdating.
E kung ganoon naman pala na gustong magpasiklab ni MPD OIC DD Asunsion ‘e dapat ang unang pinuruhan niya ang mga SCALAWAG na lespu na pakalat-kalat d’yan sa kanyang area of responsibility (AOR).
Gaya na lang ng isang TATA BONG KRUS na nagpapakilalang kolek-TONG COP.
Nagtataka tayo kay Tata Bong Krus na sa NCRPO na ang deployment ‘e d’yan pa rin nagbababad sa Maynila.
‘Yan kayang si Tata Bong Krus ang una mong i-check Gen. Rolando Asuncion?!
Isunod mo na rin ang ‘HARI NG BOOKIES’ na si TATA PAKNOY, isang pulis na walang ginawa kundi i-monitor ang mga hawak niyang bookies.
Suhestiyon lang Gen. Asuncion, unahin mo sila kung ayaw mong isang umaga ‘e magising kang puro bukol ang iyong ulo.
Aray ko!
[divider]
[highlight]Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com[/highlight]
[divider]

