Wednesday , September 28 2022

Mean girls sa G2B, effective na kontrabida

ni  Reggee Bonoan

TAWA kami ng tawa sa taga-Star TV dahil hindi rin pala nila gaanong kilala ang limang mean girls sa Got To Believe nang tanungin namin ang mga pangalan.

Ang sagot sa amin, ”hindi namin tanda, ganito na lang, mean girl 1, 2, 3, 4 and 5.  o ‘di ba, parang Power Rangers lang? Kasi lima rin sila.”

In fairness ay ang gagaling na kontrabida ng limang mean girls sa G2B dahil sila ang nagbibigay buhay sa relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

Talagang kaaasaran mo sila at kung puwede nga lang sabunutan kapag nakikita sila sa malls ay malamang ginawa na ng mga iritable sa kanila at sa tanong na hindi sila napapapansin dahil sikat ang KathNiel.

Sinabi ni mean girl Ingrid de la Paz na, ”super lucky ko po kasi first show ko ito at nakapasok po ako sa ‘Got to Believe’ kasi ang daming nanonood at sumusubaybay, so feeling namin, sa amin pong mean girls, marami na ring sumusubaybay.”

Say naman ni mean girl Kristel Fulgar, ”isa pong malaking karangalan na makatrabaho ang KathNiel lalo na po sina direk Cathy (Garcia-Molina) at direk Richard (Arellamo). Naniniwala po ako na lahat ng supporters ng KathNiel, eh, supporters din po ng ‘Got To Believe’ at supporters din po naming lahat.”

Para kay mean girl Katrina Legaspi, ”sobrang blessed ko po na naging part ako ng teleseryeng ‘Got To Believe’ kasi first time ko rin pong mapasama sa primetime, at super blessed po na naka-trabaho ko po ‘yung magagaling na directors at magagaling na cast. At kahit na anong role po ang ibigay o maliit man, para sa akin ay blessed na po ako at naging part ako ng show na ito.”

Katwiran naman ni mean girl Angeline Norvale, ”gusto ko pong mag-disagree sa sinabing hindi kami napapansin kasi hindi po kami mga bida, ang pakiramdam po namin dito sa show at sa twitter ay mas may tatak kami kasi, ‘yung the way na paano paglaruan ‘yung role namin nina direk Cathy at direk Richard. Feeling po kasi namin ay kami (mean girls) ang nagba-balance ng drama niyong dalawa (KathNiel), comic relief, ‘yung pagiging tsismosa namin, inaabangan po rin ‘yun, so ang lucky namin na nakikita at nakikilala kami ng tao. Ang saya-saya lang po namin sa set.”

Ang huling mean girl na si Chienna Felomino, ”sobrang blessed and disagree rin po ako na negative ang tingin sa amin. Kasi lumaki po ang names namin at talagang nakilala po kami dahil sa KathNiel. Nagta-thank you po ako kina direk Cathy at direk Richard, binigyan n’yo po kami ng privilege at ma-hone ‘yung craft kung anong mayroon kami ngayon.”

In fairness, marunong silang sumagot lahat ateng Maricris at maski na nasa isang table sila ipinuwesto ay pansin na pansin sila dahil magaganda rin naman in their own right. Wish namin ay sumikat din silang lahat dahil marunong silang umarte at ang payo namin, sana hindi sila malunod sa isang basong tubig tulad ng ibang kasamahan nila sa Star Magic.

About hataw tabloid

Check Also

Piolo Pascual Rhea Tan Iñigo Pascual

Piolo masaya sa success ng anak na si Inigo

MATABILni John Fontanilla AFTER 2 years, muling humarap ang Ultimate Leading Man at award-winning Kapamilya actor na …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo sa pag-endoso ng Beautederm — nakapagpapaganda ng buhay at may kredebilidad

PABONGGAHANni Glen P. Sibonga BUO ang suporta ni Piolo Pascual sa local businesses lalo na iyong mga …

Andrea Brillantes Paul Salas

Andrea aminadong nagka-crush kay Paul Salas

MA at PAni Rommel Placente SA isang interview ni Andrea Brillantes, sinabi niya na at the …

Piolo Pascual Rhea Tan

Piolo okey lang maging single for life — Nasanay na akong mag-isa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MARAMI pa rin ang naghihintay kung kailan makahahanap ng partner …

Blind Item, Men

Self sex video at pictures sa mga beki may epekto sa career ni male star

ni Ed de Leon HINDI lang isang self sex video ang ginawa ng male star. Ang …

Leave a Reply