Wednesday , October 5 2022

Liza, posibleng maagaw si Daniel kay Kathryn (Dahil bagay sila ng actor…)

ni  REGGEE BONOAN

POSITIBO ang dating kay Liza Soberano ng pang-aaway sa kanya ng supporters ninaDaniel Padilla at Kathryn Bernardo sa Got To Believe dahil nga ang dalagita ang ka-love triangle ng KathNiel.

Ang katwiran ng dalagita, ”I understand po where their coming from kasi kung nagsu-support po sila sa isang love team, ‘yung sobrang pag-support sa kanila (DJ at Kath) at ‘pag may pumasok (ka-love triangle), parang mahu-hurt po sila kasi ayaw nilang maghiwalay ‘yung dalawa.

Ibig sabihin ay may dating si Liza para ma-threaten ang supporters ng KathNiel kaya siya inaaway at dumating pa sa puntong sinabihan daw siya ng, ”mamatay ka na!”bagay na masakit iyon para sa dalagita, pero nag-smile lang daw siya.

At sa tanong kay Liza kung mas gusto niya ng may kapartner o mas gustong magsolo, ”I think okay din po na medyo hindi pina-partner, pero okay din kung mayroon. Kung hindi po kasi pina-partner, you get to experience working to everyone and to know people,” say ng dalagita.

Sa tanong namin kung okay lang kay Liza na lagi siyang ka-love triangle nina Daniel at Kathryn dahil pangalawang beses na itong G2B, ”okay lang po, ibinigay po ng management so kailangang tanggapin ko po at dapat masaya po ako kasi binigyan ako ng chance na makasama sila (kathNiel).

At in fairness ateng Maricris, bagay din sina Daniel at Liza kaya huwag makampante ang tambalang KathNiel dahil posibleng masilat sila ng dalagita.

Sa edad na disisais ay hindi pa puwedeng ligawan o magka-boyfriend si Liza dahil bukod sa bawal ay mas gusto raw niyang mag-concentrate sa trabaho at pag-aaral niya.

Pero nagkanda-utal-utal siya noong tanungin siya tungkol kay Enrique Gil na rati niyang ka-loveteam sa seryeng Muling Buksan Ang Puso serye kasama sina Enchong Deeat Julia Montes.

Sa tanong kung may communication pa sila ni Enrique, ”kapag nagkikita po sa event. Nagkakamustahan naman po,” nautal na sagot ng dalagita.

Balitang nagte-text daw si Enrique kay Liza?

“Nangungumusta lang po, pero hindi ko po nire-replayan, magte-text siya ng, ‘what’s up’ alam po ng tita ko ‘yun.

“Minsan po nag-text siya (Enrique) kung ‘how’s the TV shoot?’ kasi nasa TV shoot ako that time, tapos in-explain ko lang po ano nangyayari at alam ng tita ko,” paliwanag mabuti ni Liza.

Dagdag pa, ”pinipigilan ko pong mag-reply (sa text) kasi baka po ma-misinterpret na kapag nireplayan ko, baka isiping may gusto ako.”

Samantala, si Anne Curtis ang peg ni Liza in terms of career path dahil, ”I like her career, not necessarily her pagiging sexy, kundi ‘yung takbo ng career niya kasi marami siyang endorsements, may teleserye siya, may movies siya, ganoon po.”

About hataw tabloid

Check Also

Anthony Taberna Ka Tunying's Cafe

Resto ni Ka Tunying ipinabo-boykot din

I-FLEXni Jun Nardo PINASALAMATAN  at humingi ng paumanhin ang broadcaster na si Anthony Taberna o mas kilala …

Mariel Padilla Robin Padilla

Robin ligtas na, operasyon sa puso matagumpay  

I-FLEXni Jun Nardo LIGTAS na si Senator Robin Padilla. Isinugod sa ospital ang aktor-senador dahil sa …

Blind Item, Men

Audition ni male star sa movie company pinaghubo’t hubad

ni Ed de Leon WALANG nagawa ang isang baguhang male star. Pinapunta siya sa office ng …

Mike Tan

Mike Tan gradweyt na ng BS Psychology  

HATAWANni Ed de Leon TALAGANG kung magsisikap, matutupad ang pangarap. Tingnan ninyo ang actor na …

Mother Lily  Monteverde Father Remy Monteverde

Mother Lily – Father Remy’s love story mas classic pa sa Mano Po

HATAWANni Ed de Leon IYON lang love story nina Mother Lily at Father Remy Monteverde, na natatandaan naming kuwento, …

Leave a Reply