Friday , March 29 2024

Senators wala talagang ethics o iwas pusoy? (Sa pagbubuo ng Senate Ethics Committee)

00 Bulabugin JSY
MARAMING Senador daw ang gustong buuin na ang Senate Ethics Committee …

Ang problema ‘alang gustong mamuno sa nasabing committee.

Dahil dito, sabi ni Senate President Franklin  Drilon, mas mabuti raw na mag-concentrate na lang sa paggawa ng batas ang mga Senador, kasi ‘yan naman ang trabaho nila bilang mambabatas.

Mayroon nga kasing suhestiyon si Senator Tito ‘insertion’  Sotto na buuin ang ethics committee para rito raw imbestigahan ang mga mambabatas na sangkot sa hindi tamang paggamit ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o ‘yung tinatawag na pork barrel.

Para hindi raw nahuhusgahan sa publiko ang mga Senador dahil ang objective umano ng senate committee hearing ay “in aid of legislation not to determine the guilt or innocence of the lawmakers supposedly involved.”

Nauna nang sinabi ni Senator Alan Peter Cayetano na ang dapat mamuno sa committee na ito ay ‘yung mga senador na hindi kaaway o kaibigan ng tatlong Senador na nasasangkot na sina Senators Johnny Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada.

‘E ang siste nga walang gustong mamuno.

Bakeet!?

Dahil alam nilang lulutang at lulutang din sa proseso ng pagdinig na wala talaga silang ethics?

O UMIIWAS-PUSOY sila?!

Kasi ‘yan daw ang malaking problema sa mga mambabatas natin … wala tayong makitang tunay na STATESMAN.

Ang meron lang tayo ay mga mambabatas na mga politiko na sandamakmak ang KONSESYON sa karera at negosyo at KOMPROMISO sa buhay.

E kung ganyan ang mga mambabatas natin, magtataka pa ba tayo kung bakit mayroong ONLINE LIBEL under CYBERCRIME LAW?!

(Hindi ko alam kung breakthrough ang batas na ito sa larangan ng hustisya o talagang nagpapaka-‘VIRTUAL’ lang ang mga mambabatas – hi-tech effect ba ito o talagang bumilis ang utak laban sa katotohanan pero naiwan ang katawan na pakaang-kaang – ito po ang laruin natin sa susunod – tingnan natin ang pros and con ng virtual law).

Pero sa isang banda, naisip ko rin, gawin na lang din kaya nating ‘VIRTUAL’ ang sweldo at pork barrel ng mga mambabatas?!

Ano sa tingin ninyo mga suki?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *