Wednesday , October 20 2021

Unang Aray (Memorabol kay Inday) (Part 18)

PAGDATING KO SA BOARDING HOUSE NAROON SI DONDON  NAG-E-EMPAKE PA-ABROAD DAW SIYA

Nakalabas na ako ng bahay nina Inday ay banat na banat pa rin ang aking mga pisngi sa pagkakangiti. Napakanta tuloy ako: “Kaysarap ng may minamahal, ang daigdig ay may kulay at buhay…”

Nagulat ako nang datnan kong nag-iimpake si Dondon ng kanyang mga gamit sa tinutuluyan naming kwarto. Mag-a-abroad daw siya at bukas ng umagang-umaga ang iskedyul ng alis niya.

“Goodluck,” sabi ko.

“Thanks, ‘Dre,” aniya sa pakikipag-apir sa akin.

Tahimik na tinapos ni Dondon ang pag-iimpake sa kanyang mga damit at ilang personal na gamit sa maleta at bag. Sa paghuhubad ko ng suot na jacket, napatingin siya sa akin.

“Grabe palang manabunot ang chikababes mo,” aniyang itinuturo ang mga buhok na nakadikit sa kwelyo ng jacket ko. “Sinobrahan mo ata’ng pangingiliti.”

Nangalaglag sa sahig ang mga buhok nang ipagpag ko ang jacket. At pagkaraa’y kinapa-kapa ko ang buhok ko.

“N-Nalulugas ‘ata ang buhok ko, a,” nasabi ko, sinusuklay-suklay ng kamay ang aking buhok na lampas-tenga.“Baka maaga akong mapanot, a.”

“Aba’y ingat ka…” payo ni Dondon.

“Ano kayang dapat kong gawin?” naitanong ko.

“Kung ayaw mong makabuntis o mahawa ng VD, mag-condom ka!”

Sa loob-loob ko, mahirap talagang kausap ang tulad ni Dondon. Walang katinuan sa paki-kipag-usap.

Naupo ako sa silya sa pag-aalis ng sapatos. Kinumusta ko ang mga dokumentong kakai-langanin niya sa pag-alis.

“Kumpleto na,” ang sagot niya. “Me tiket na rin ako.”

“Passport mo?” usisa ko.

“’Di na kailangan ‘yun…”

“Visa?”

Umiling si Dondon. Ibig sabihin, wala rin siyang hawak na visa.

“Walang passport, walang visa… puwede ba’ng ganu’n?” napakamot ako sa batok.

“Ibahin mo ‘ko, ‘Dre…” ngisi ng tado. “Ikaw na’ng maging ako!”

Pagyuko ko sa paghuhubad ng medyas, napansin ko ang tiket sa bus na nakapatong sa kinauupuan kong silya. Ibinato ko ‘yun sa mukha ni Dondon.

“Tiket sa eroplano, ha? O!”

Natawa si Dondon. Pero saglit lang at walang sigla.

“’Di na ‘ko binigyan ng pang-tuition nina Inang at Tatang,” pag-amin niya, nangulimlim ang mukha.

“Nagkaproblema ba sa inyo?”  naitanong ko sa pakikisimpatya.

“A-ako mismo ang me problema…tatlong subject ang bagsak ko, puro singko,” sabi ni Dondon, tutop ng palad ang noo. (Itutuloy)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

CASSY LEGASPI, SOBRANG NA-IN LOVE SA MGA PRODUKTO NG BEAUTÉDERM

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng young actress na si Cassy Legaspi na sobrang happy …

Francine Diaz, Alvin Professional Skin Care

SIKRETO NI FRANCINE SA MAGANDANG MUKHA IBINAHAGI

HARD TALK!ni Pilar Mateo SA isang tsikahan sa miyembro ng Gold Squad na si Francine Diaz, inamin nito …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs, Insomnia

Insomnia ini-relax ng Krystall Herbal Oil at Nature Herbs

Dear Sis Fely Guy Ong, Tawagin n’yo na lang po akong Romeo, 46 years old, …

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

Rhea Tan thrilled kay Cassy Legaspi – She embodies the vibrancy of youthfulness

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAHAGI na ng lalo pang lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation ang TV …

Krystall Herbal Oil ingrown

Pamamaga ng daliri sa paa dahil sa naiwang ingrown pinaimpis ng Krystall Herbal Oil

Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po si Myrna Estrata, 46 years old, isang …

Leave a Reply