Thursday , June 4 2026

Starting Over Again, tinalo na ang Girl, Boy, Bakla, Tomboy

ni  Reggee Bonoan

AS of presstime ay kumabig na sa P200-M ang Starting Over Again sa loob lamang ng limang araw (Linggo), eh, paano pa ang mga susunod na araw, linggo, at buwan.

Kaya ngayon ay kinukompirma na naming aabutan na ng Starting Over Again ang Girl Boy Bakla Tomboy na siyang may hawak ng number one record ngayon sa movie industry.

Dalawang linggong ipinalabas ang pelikula ni Vice Ganda noong Metro Manila Film Festival 2013 na umabot sa mahigit P400-M kasunod ng My Little Bossisngs nina Vic Sotto, Ryza Mae Dizon, at Bimby Aquino Yap na sinundan ng It Takes A Man and A Woman nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Hindi naman imposibleng kumita ng P200-M sa limang araw ang pelikula dahil 300 sinehan ang nagpapalabas ng Starting Over Again at pawang full pack nitong weekends at saksi kami sa SM North Edsa at Gateway Mall na talagang paikot ang pila ng tao para pumasok sa sinehan, hindi sa pagbabayad ng tickets, huh.

Kaya tiyak na sina Toni Gonzaga at Piolo Pascual ang tatanghaling Box Office King and Queen sa 45th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation o GMMSF.

So, anong next project ngayon nina Toni at Piolo?  Malaking pressure ito ngayon sa bawat isa sa kanila?

At para naman kay Vice, malaking hamon din ito sa kanya na lampasan  ang kinita ng Starting Over Again kapag naungusan na siya. At magpapa-block screening daw si Vice ng Starting Over Again, isa sa mga araw na ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …