Sunday , October 2 2022

Junk shop ng kagawad 1 pa, sangkot sa chop-chop vehicle (Pito katao arestado)

Arestado sa Caloocan ang pitong lalaking pinaniniwalaang sangkot sa pag-chop-chop at pagbebenta ng mga nakaw na pampasaherong jeep, mula sa iba’t ibang lugar sa Laguna.

Batay sa impormasyong nakalap ng pulisya, sangkot din sa operasyon ng grupo ang isang barangay kagawad.

Mula Caloocan, umabot ang follow-up operation sa Dagupan Street at Daang Bakal, Tondo, Maynila, at tumambad sa mga pulis ang mga makina, chasis, manibela at iba pang piyesa ng mga jeep at iba pang hinihinalang nakaw na sasakyan.

Natunton din ng mga pulis ang isa pang kaparehong talyer sa Onyx Street, San Andres, matapos umamin sa pulisya si Russel Aguilar, naunang naaresto sa Caloocan.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang apat na lalaking tumatayong scrapper, middle man, bantay sa pwesto at tagapagtago ng mga chop-chop na piyesa sa talyer.

Ang modus ng grupo ang paghiram sa mga ibinebentang jeep, pagrenta o pwersahang pagtangay sa mga ito na dinadala sa Maynila at kinakatay bago ibenta.Sa datos ng pulisya, mula Disyembre 2013 hanggang Pebrero, 12 jeep na biyaheng Calamba, Cabuyao, Biñan at San Pedro, ang natangay ng grupo.                        (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Leave a Reply