Thursday , September 29 2022

Barya-barya pero tumitiba ng Milyones ang VK operations ni Vic sa teritoryo ni P’que Mayor Edwin Olivarez

00 Bulabugin JSY

BACK to normal na pala ang operations ng mga demonyong makina na video karera at fruit games ng grupo nina VIC at JON MIRANDA d’yan sa teritoryo ni Mayor Edwin Olivarez sa Parañaque City.

Pagkatapos na pagkatapos lang daw ng Pasko at Bagong Taon ay lumatag na agad ang mga demonyong makina sa area of responsibility (AOR) ni P/Supt. Andrade.

Masyado raw malakas ang loob nitong si Vic. Walang takot sa paglalatag ng kanyang mga demonyong makina na hindi kukulangin sa 100 yunit.

Wala umanong pwedeng makialam  dahil protektado sila ng mga iskalawag na lespu.

Aba Mr. Charlie alyas Bagman from the office of the C.O.P., may kinalaman ka ba sa mga latagan na ‘yan?!

Kung wala kang alam Mr. Charlie alyas Bagman, ‘eto konting ‘tip’ lang.

Kinompirma ng ating very reliable asset sa PNP-NCRPO, na 100 makina nga ng VK-FG ang nailatag ni Vic sa lugar ni Mayor Olivarez.

Ang isang makina umano ng grupo nina Vic ay nakapagko-COINS OUT ng halagang P2,000 kada araw.

Kaya sa sa loob ng 24 oras ay kumikita sila ng two hundred thousands (P200,000) daily income. Wow, milyones ito sa loob ng 30 days o isang buwan.

Sa lakas nga raw ng VK-FG operations nina Vic ‘e tinalo pa nila ang mga magnanakaw ng pork barrel?! Kaya nga halos tulo ang laway ni VIC sa kabibilang ng mga piso-pisong barya kada araw.

Kung seryoso ang gobyerno na wakasan ang raket ng mga ilegalista, simple lang ang solusyon … sudsudrin ng Bureau of Internal Revenue at ng Anti-Money Laundering Council ang operasyon ng grupo ni Vic.

Aba ‘e mabuti pa nga raw si Jake ng south Metro Manila, nagmamaneho na ng brand new SUV Montero Sports. Sino supplier nila ng Montero?

Alam din kaya ni Mr. Charlie alyas Bagman na diyan sa loob ng sabungan ng Roligon Cockpit Arena na nasa Quirino Avenue, Parañaque City, tuwing may pintakasi, derby, hack fights ay isinasahog sa sabong ang pasugal na cara y cruz, three balls at high and low at iba pang number games gaya ng pula’t puti.

Sa Taguig area naman, matunog ang pangalan ni June Laurel ang sinasabing may palatag ng VK-FG sa teritoryo ni Mayor Lani Cayetano.

Abangan po ang detalye sa susunod na mga araw.

CZAR CLUB SA ROXAS BLVD., ‘NEGOSYONG’ POKPOKAN  NG MGA BIGTIME!?

MADALI lang talagang magbagong mukha ang mga negosyong ‘pokpokan’ sa Roxas Blvd.

Gaya na lang ng Infiniti Club noon na naging Infiniti 8 Club, tapos ginawang Fairy Touch Club …

Ngayon naman, pagpasok ng Enero ‘e biglang naging Czar Club.

Huwag ismolin ang incorporators. Sila lang naman  sina broker double B, isang Bot Sison, isang P. Lacson at isang alyas Pablo.

Ang sabi-sabi, si alyas Pablo ang anak ng dating presidente ng Fil-Chinese Chamber of Commerce sa Binondo, Manila.

Isang alyas Marino na ubod umano ng balimbing ang pakador sa Czar club habang isang ex-police na alias Tucayo ang chief security kuno ng club.

Bigftime ang programming at show … rumarampa ang mga bold na bebot sa entablado. Largado ang barfine at ang marketing  s’yempre kasabwat ang mga tourist guide.

Kaya naman panalong-panalo ang CZAR CLUB sa mga parokyano nilang foreigners diyan sa Roxas Blvd.

TATA JOY KALBO KOLEKTONG NI TATA BONG TONG CRUZ SA MPD PS-7

MAHUSAY talaga ang pamamalakad ng KOLEKTONG group ng isang antigong lespu na si MPD bagman alias TATA BONG TONG sa pagkakuwartahan sa lungsod ng Maynila.

Ipinagmamalaki kasi ni TATA BONG TONG CRUZ na siya ay malapit daw ngayon sa pintuan sa 2nd floor ng City Hall at ginagasgas pa ang opisina ng City Admin.

Kaya naman kopong-kopo ni TATA BONG TONG  ang intelihensiya  ng TARA y TANGGA mula sa 1602 dahil siya ang timbrehan ng mga illegal gambling operators na sina alias BOY ABANG SIMBULAN, bookies/lotteng queen EDNA ENTENG/TONTON D.ROSARIO at LESPU TATA PAKNOY PRESNEDI at maging si bookies prince PASYA ay pasok na sa banga ng Boy Tong group!

Sa AOR naman ng MPD PS7 ay namamayagpag ang isang alias TATA JOY BOKAL sa kolektong na inaanak at lider ni Tata Bong Tong.

Masyado raw busy sa pagbabantay ng mga ‘parating’ si Tata Bong Tong sa ibang presinto kaya itinalaga n’ya si Tata Joy Bokal na mamahala ng intelihensiya sa teritoryo ng PS-7?!

MPD PS7 Kernel BERNAL sir, balita ko malapit ka nang magretiro ‘e baka naman maindulto ka pa dahil lang sa kawalanghiyaan ng tropang kolektong ni Tata Bong Krus at Tata Joy bokal!?

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Cristine Reyes

Cristine namali ng balanse tumama ang likod sa sahig

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio TATLONG beses nagpa-check-up ng likod sa isang espesyalista si Cristine Reyes dahil …

Lolit Solis Kris Aquino Josh BImby

Kahit may sakit din at nasa abroad
KRIS INALAM ANG MGA KAILANGAN NI MANAY LOLIT

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KILALA si Kris Aquino sa pagiging matulungin kaya naman hindi na kami …

Xian Lim Genesis Gallios Vin Abrenica

Xian at Vin magbibigay-saya sa bday show ni Genesis

“CRUSH ko ‘yang si Xian. Si Vin naman alam mo naman ‘yung lalaking-lalaki, ang gwapo-gwapo, …

ULINIG ni Randy V. Datu

Kabayaran ng katigasan ng ulo sa panahon ng kalamidad

ULINIGni Randy V. Datu MAPAGPALANG ARAW sa ating lahat. Ating naulinigan na maaliwalas na ang …

Krystall B1B6, Krystall Herbal Oil

Krystall herbal oil, Krystall vit. b1 & b6 nagpalubag ng loob ng magsasakang sinalanta ni ‘Karding’

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply