Friday , February 3 2023

James, inirereklamong 5 mos. nang ‘ di nakikita si Bimby (’DI naman daw kasi nag-e-effort — Kris)

KONTROBERSIYAL na naman  ang hinaing ni James Yap na limang buwan nang hindi nakikita ang anak na si Bimby.

Bilang ama, nami-miss na raw niya ang anak kaya idinadaan na raw niya sa dasal.

Sa billboard at sa pelikula lang daw niya nakikita si Bimby. Ni hindi na raw niya alam kung gaano na katangkad ang anak.

Pero umaasa si James na magiging civil pa rin sila ni Kris Aquino at maging magkaibigan sa mga darating na panahon alang-alang sa anak nila.

Pero ayon sa text ni Kris sa www.abs-cbnnews.com, walang dahilan legal o personal  na bawalan si James para pick-up-in si Bimby sa school at mag-merienda.

“James just hasn’t exerted the effort,” aniya.

“With all the blessings and success Bimby has received, I see no reason why my son shouldn’t reach out and help James celebrate his birthday on February 15. I asked Bimb if this was okay with him and he said yes. So it’s just up to James to make the effort,” dagdag pa niya.

Tsuk!

Bong at Kris, may war?

SPEAKING of Kris Aquino, tinanong si Senator Bong Revilla kung totoo bang war na sila  dahil sa kanyang privilege  speech na sangkot si Presidente  Noy Aquino at pagbanggit kay  Ballsy Aquino-Cruz.

Paano kung mag-krus ang landas nila?

“Sana… hindi naman tayo nakikipag-away. Kumare ko pa rin si Kris. Mabait naman ‘yang si Tetay. ‘Yun nga lang, it so happen na  ‘yung mga nangyari sa akin  na panggigipit ng  administrasyong ito  eh…nakalulungkot na hindi naman sana nangyari pero sila ang nag-umpisa ng lahat ng ito, eh!” reaksiyon niya.

’Pagmamaldita’ ni Xian, dinagsa ng batikos

SINALUBONG ni Xian Lim ng kanegahan ang Chinese New Year at marami talaga ang galit sa kanya  sa social media. Bagamat humingi na siya ng paumanhin sa kapalpakan niya sa kanyang Twitter Account, hindi agad-agad nawawala ang ‘kamalditahang’ ginawa niya.

Sana magsilbing aral ang mga  batikos na natatangap ni Xian na dapat irespeto ang mga babae at importante pa ring makisama kahit  tinatamasa niya ngayon ang popularidad dahil na rin sa tulong ng love team nila ni Kim Chiu.

Sabi nga  ng isang veteran movie columnist sa FB.. “But the harm has been done. Dapat diyan ay kurutin sa singit ng mga ininsulto niya”.

Buti na lang humingi siya agad  ng sorry para maibsan ng kaunti ang kanegahan niya. Kahit hindi na niya maibalik ang ginawa niyang kahihiyan sa babae na pinagmukhang tanga sa stage. Sana kahit hindi siya na-inform  na may laalabas na ka-lookalike ni Kim, sumakay na lang siya at nakisama lalo’t nasa comedy show  siya gaya ng Banana Nite.

Kahit sa Facebook ay may reaction ang isang veteran na character actor at beauty expert:

“Parang maniniwala na yata ako sa mga nababalitaan ko na hindi kagandahan ang asal ng batang ito at galing sa loob mismo ng ABS network ang naririnig ko. Naumpisahan ko na mapanood ang video pero hindi ko nakayang tapusin dahil sa negativity na nakita ko sa ginawa ng batang ito. Haaaaay, asan ba ang parents ng batang ito?”

Sey naman ng isang cast ng Banana Split.

“Kahit sino pang tao ke kuba o may sobrang paa sa noo…dapat pakiharapan nang maayos!Tao ‘yan eh. Kung ‘yung mga aso nababati at niyayakap, eh.”

Next time, maging maingat at maayos si Xian sa behavior niya lalo’t nasa harap siya ng telebisyon dahil mahirap mag-damage control ‘pag  napuna ito ng publiko,huh! Huwag niyang sayangin ang suporta ng fans sa kanya at ma-turn-off sa asal niya.

Naniniwala rin kami na hindi nagkulang ng pangaral ang parents ni Xian sa kanya lalo’t very supportive at mabait din ang Mommy Mary Anne niya.

‘Yun na!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED Rni Rommel Gonzales IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit …

Barbie Forteza Jak Roberto

Jak nakasisiguro kay Barbie, hindi ipagpapalit sa iba

I-FLEXni Jun Nardo SECURED ang Kapuso hunk na si Jak Roberto sa relasyon nila ng girlfriend na si Barbie Forteza. …

LJ Reyes Paolo Contis Yen Santos

Paolo ipinagtanggol si Yen, ‘di raw siya inagaw kay LJ 

I-FLEXni Jun Nardo INABSUWELTO ni Paolo Contis ang girlfriend na si Yen Santos nang ipalabas ang part 2 ng …

Blind Item, Gay Lovers, matinee idol, male star

Male star na-inlab kay poging actor na ayaw na siyang makatrabaho

ni Ed de Leon ANG totoo pala, talagang nagkagusto ang isang male star na kalabisan naman sigurong …

Pokwang  Lee O’ Brien

Pokwang umamin ‘nabola’ ni Lee, 5 taon ‘di kumayod, walang sustento

HATAWANni Ed de Leon BIGLANG putok ang post ng komedyanteng si Pokwang tungkol sa naging buhay …

Leave a Reply