Wednesday , January 26 2022

COMELEC Commissioner sixtong este Sixto Brillantes pinalagan ng senior citizens

00 Bulabugin JSY

UMALMA na ang mga senior citizen sa iba’t ibang panig ng bansa at kinatigan ang pagsasampa ng kasong contempt sa Supreme Court (SC) ni dating Rep. Godofredo Arquiza ng Senior Citizens Party-List laban kina Commission on Elections (Comelec) Chairman Sixto Brillantes Jr., Commissioners Lucenito Tagle at Elias Yusoph sa hindi pagpoproklama sa kanya kahit matagal nang iniutos ng SC.

Ayon kina Rodolfo Esfulgar at Ching Lacson, opisyales ng senior citizens sa Quezon City, malinaw na “binastos” nina Brillantes, Tagle at Yusof ang SC sa hindi pagsunod sa utos nito noong  Hulyo 23, 2013 na iproklama ng Comelec ang dalawang nominado ng Senior Citizens Party-List matapos makakuha ng mahigit 600,000 boto sa May 2013 elections.

Marami na ang nagtataka kung bakit ayaw iproklama nina Brillantes, Tagle at Yusof ang nominees ng nakatatanda gayong sila mismo ay senior citizens na.

Ano ba talaga ang motibo ni ChairmanSixtong at nina Commissioner Yusoph at Commissioner Tagle at tahasang ipinakikita nila ang kawalan ng pagmamalasakit sa mga senior citizen?

Ibang klaseng nilalang talaga ‘yang 3-M division  na ‘yan sa Comelec …

Senior Citizens na nga sila pero hindi pa rin  naghuhulas sa cash-gulangan.

Ay sus!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply