Friday , September 30 2022

Basyang lumakas signal no. 2 sa 14 areas

BAHAGYANG lumakas ang bagyong Basyang habang nagsisimula na ang epekto sa Silangan ng Visayas at Mindanao.

Ayon sa Pagasa, taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hangin na aabot sa 80 kilometro bawat oras.

Bago magtanghali natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 500 kilometro sa silangan hilangang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Umuusad ang bagyo sa bilis na 30 kilometro sa direksyon na pakanluran.

Inaasahan ngayon madaling araw ay tatama sa kalupaan ang sentro ng bagyo.

“Expected to make landfall over Southern Leyte – Northern tip of Surigao del Norte area late tonight or early tomorrow morning,” ayon sa Pagasa.

Nakataas na ang signal number two sa Cebu, Bohol, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Samar, Camotes Island, Camiguin, Dinagat Province, Surigao del Norte, Siargao Is.,  Northern Part of Surigao del Sur, at Northern Part of Agusan del Norte.

Habang signal number one naman sa Masbate, Cuyo Island, Northern Samar, Biliran Is., Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, Negros Oriental, Siquijor, Misamis Oriental, Misamis Occidental, rest of Agusan del Norte, rest of Surigao del Sur, Agusan del Sur, Northern part of Bukidnon at Zamboanga del Norte.

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

Bulacan police umiskor
MAHIGIT 765K HALAGA NG DROGA NAKUMPISKA, 15 DRUG SUSPEK NALAMBAT AT 6 NA LAW OFFENDERS NAI-HOYO

TINATAYANG aabot sa mahigit 765K halaga ng iligal na droga ang nakumpiska habang 15 drug …

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

Dagdag na benepisyo hiling ng pamilya ng mga nasawing rescuers sa Bulacan

NANAWAGAN ang mga kamag-anak ng ilan sa mga nasawing rescuer sa Bulacan ng dagdag na …

shabu

3 tulak sa Gapo nasabat
MAHIGIT P1-M HALAGA NG SHABU, NAKUMPISKA

 MAHIGIT  P1-M halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng mga awtoridad habang tatlong tulak …

FRIENDSHIP route sticker las pinas

Sa Las Piñas
72-ORAS TRO PABOR SA ‘FRIENDSHIP ROUTE’ PINALAWIG NG KORTE

ISA PANG DAGOK sa bagong administrasyon ng BF Resort Village Homeowners Association, Inc. (BFRVHAI) ang …

Zasa Aliman Stone Hope Company Diesel

Oil importer dudulog sa Malacañang dahil sa pagbasura ng DOE sa kanilang aplikasyon

DUDULOG sa Office the President (OP) ang isang oil importer kaugnay sa hinalang pagbasura ng …

Leave a Reply