Friday , June 26 2026

Bata tutumbok sa Ynares 10-ball

SASARGO si Filipino cue master Efren “The Magician” Reyes ngayong araw sa magaganap na Mayor Boyet Ynares men’s 10-ball billiards championship sa Binangonan Recreation and Conference Center sa Binangonan, Rizal.

Makakatumbukan ni Reyes na kilala rin sa tawag na “Bata” si Victor Arpilleda sa event  na ayon kay tournament director Ramon Mistica ay layunin na mai-promote ang billiards sa grassroots-level at makadiskubre ng future world champion.

Dekada 80 naman nang makilala si Mistica dahil tinalo nito si Filipino pool legend Jose “Amang” Parica.

Kalahok din sa isang araw na sargohan sina sina Edgar Acaba, Rodrigo Geronimo, Romeo del Rosario, Danny Joy Trazona, Alex Lumpay, Tata Bautista, Kenken Arpilleda, at former World Junior third placer Jonas Magpantay.

Ang mga Pinoy champions  ay sina Reyes (2004 8-ball, 1999 9-ball), Ronnie “The Volcano” Alcano (2007 8-ball, 2006 9-ball), Francisco “Django” Bustamante (2010, 9-Ball) at Dennis “Robocop” Orcollo (2011 8-ball). (ARABELA PRINCESS DAWA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PH grapplers handa na sa 11th Asia-Oceania Sambo Championships

PH grapplers handa na sa 11th Asia-Oceania Sambo Championships

KUMPYANSA si national sambo head coach Ace Larida na malaki ang tsansa ng 40-miyembrong pambansang …

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak copy

Batang Pinoy 2026 balik-Bacolod, 18K batang atleta sasabak

BABALIK sa pinagmulan nito ang taunang Batang Pinoy matapos italaga ang Bacolod City bilang host …

POC Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

Mahigit 500 kabataan, tampok sa pagdiriwang ng Olympic Day

NAGING tampok ang mahigit 500 kabataan mula sa tatlong paaralan sa Tagaytay City sa pagdiriwang …

Philippine Sports Hall of Fame

7 alamat ng Philippine sports, pormal nang naitala sa Philippine Sports Hall of Fame

PORMAL na itinanghal sa ika-5 Philippine Sports Hall of Fame Enshrinement Ceremony ang pitong natatanging …

Sydney Sy Asia-Oceania Sambo Championships

World no. 1 Sydney Sy siguradong sasabak sa Asia-Oceania Sambo Championships

SIGURADO nang lalahok ang top local bet na si Sydney Sy sa 11th Asia-Oceania Sambo …