Thursday , June 4 2026

DepEd: Boksingero aksidenteng na-coma

ngayon ng Department of Education (DepEd) ang kaso ng batang boksingerong si Jonas Joshua Garcia ng San Miguel, Bulacan na na-comatose noong Lunes sa isang ospital pagkatapos na bigla siyang nahilo sa isang laban ng  Central Luzon Regional Athletic Association noong Lunes sa Iba, Zambales.

Sinabi ni Education Assistant Secretary Tonisito Umali sa isang panayam ng ABS-CBN News na sinunod naman ng mga organizer ng torneo ang mga patakaran tungkol sa kaligtasan ng mga boksingero.

“Ang una po naming ginawa namin dito ay tinanong kung nasunod po ba ang atin pong patakaran sa pagsasagawa ng boxing event. Ang atin pong tournament manager po na nangangasiwa po dyan ay miyembor ng (Association of Boxing Alliances in the Philippines Inc.). Initially, we found out na nasunod naman po,” wika ni Umali.

“Sa lahat halos ng larangan ng palakasan, may inherent risk po. Maski po sa basketball pag nasahod baka mabagok ang ulo. Sa baseball, baka tamaan ng bola.”

Brain dead na ang 16-taong-gulang na si Garcia at sinabi pa ni Umali na hindi pa tapos ang imbestigasyon ng DepEd tungkol sa insidente.  (James Ty III))

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Asian U20 Athletics

Pilipinas, nanguna sa Southeast Asia sa Asian U20 Athletics Championships

HONG KONG — Sa harap ng pinakamahuhusay na batang atleta sa Asya, muling ipinakita ng …

Christopher Papa Tennielle Madis Palawan Open Tennis

Papa, Madis kampeon sa kauna-unahang Palawan Open

NASUNGKIT nina Filipino-American tennis player Christopher Papa at ng batang lokal na manlalaro na siTennielle …

Ana Bhianca Espenilla Jerico Cadag Asian U20 Athletics

Espenilla, Cadag naghatid ng makasaysayang medalya sa Asian U20 Championships

HONG KONG — Naghatid sina Ana Bhianca Espenilla at Jerico Cadag ng karangalan para sa …

Jeralyn Rodriguez Asian U20 Athletics

Rodriguez nakamit ang Kwalipikasyon para sa World U20 Athletics Championships

HONG KONG — Nagpakitang-gilas si Jeralyn Rodriguez sa 22nd Asian U20 Athletics Championships matapos maitala …

Volleyball

POC General Assembly, Inaasahang Sususpendehin din ang PNVF

INAASAHANG opisyal na sususpindihin ng Philippine Olympic Committee (POC) General Assembly ang Philippine National Volleyball …