Saturday , May 18 2024

Fountain paano gagamitin para sa good feng shui?

KUNG fountain ang gagamitin bilang feng shui cure, hindi kailangan na ito ay mukhang oriental. Sa katunayan, walang feng shui cures na dapat ay magmukhang oriental upang magdulot ng good feng shui energy, ito ay mainam kung tugma sa inyong home decorating style.

Ang fountain ay tanyag sa feng shui dahil ito ay nagdudulot ng enerhiya ng tubig, at ang tubig ay sinaunang feng shui symbol ng yaman at paglago.

Ang isa pang good feng shui reason sa paggamit ng fountain sa loob ng bahay ay ang katotohanan na ang working fountain ay naglalabas ng healthy negative ions sa hangin. Maraming indoor environments ang salat sa popular feng shui product na ito.

Ang best feng shui areas para sa feng shui fountain ay sa East (Health and Family), Southeast (Prosperity and Abundance), at North (Career and Path in Life).

Ang lokasyon sa feng shui fountain ay madedetermina sa pamamagitan ng Bagua, o feng shui energy map, gayundin sa interplay ng limang feng shui elements.

Hindi ipinapayo ang paglalagay ng water feature/feng shui fountain sa South area, dahil sa feng shui, ang South ay konektado sa inyong Fame and Reputation, at ang enerhiya nito ay Fire. Kung maglalagay ng Water feng shui element (fountain) sa Fire element feng shui area (South), mabubuo ang bad feng shui/conflicting energy, dahil aapulain ng Water ang Fire.

Itinuturing na bad feng shui na magkaroon ng water feature sa bedroom, alin man sa feng shui area ng inyong bahay naroroon ang bedroom. Ang water feng shui element  ay nagdudulot ng energy of worry sa bedroom, kaya hindi inirerekomenda ang fountain sa bed room.

Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

DANIEL FERNANDO Bulacan

 Fernando determinadong tuparin ang pangako sa bawas trapiko at ligtas na komunidad

Determinado si Gobernador Daniel R. Fernando na tuparin ang kanyang pangako na bawasan ang trapiko …

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

4 drug trader tiklo sa Bataan buybust

NASAKOTE ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office ang isang …

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

Kolektor ng pautang hinoldap sa palengke, binoga ng riding-in-tandem

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang ginang na sakay ng tricycle matapos holdapin at barilin ng mga lalaking …

dead gun police

Ikinumpisal bago nalagutan ng hininga
MAGKAIBIGAN ITINUMBA NG 4 KAALITAN

BINAWIAN ng buhay ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng apat na pinaniniwalaang kanilang mga kaalitan …

Piolo Pascual Mallari

Piolo Pascual muling nasungkit Best Actor trophy para sa Mallari

MULING nasungkit ni Piolo Pascual ang Best Actor award para sa kanyang pagganap sa Mallari sa katatapos na Box …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *