Friday , June 2 2023

Feng shui cures sa money area

KUNG batid mo na ang kinaroroonan ng feng shui money area, maaari nang magbuo ng good feng shui energy rito. Ang feng shui ay tungkol sa paglikha ng espasyo, sa bahay man o opisina, para mapagbuti ang lahat ng erya ng buhay, at hindi dapat maitsapwera rito ang money area. Narito ang iba pang specific feng shui steps na makatutulong sa pagpapalakas ng money area.

*Imahe ng kagubatan, parks, o maberdeng mga halaman, punong-kahoy, damo, etc, na magdudulot ng feng shui energy ng wood element. Maaari ring magdala ng mga imahe ng natural landscapes na mayroong interesting land formations – mula sa sandy beaches hanggang sa mga bundok (para sa Earth element).

*Pumili ng best feng shui colors bilang dekorasyon sa inyong money area (ito man ay wall color, fabrics, décor details. Maraming iba’t ibang kulay na mapagpipilian katulad ng green, brown, blue, black, at earthy/light yellow, maaari ring maglagay ng splash ng red upang mapasigla ang erya (o energy variations nito katulad ng coral orange, magenta, purple o pink). Tiyakin lamang na ito ay color splash lamang, at hindi main color décor para sa inyong feng shui money area.

*Dekorasyonan ang mga imahe na magrerepresenta ng enerhiya ng yaman at kasaganaan. Maaaring pumili mula sa ano mang modern (and personal) representasyon ng yaman, katulad halimbawa, ng mga tao na nag-e-enjoy sa bakasyon sa luxurius yacht o makulay na mesa na puno ng mga pagkain para sa malaking party, etc. Maaari rin ang mga imahe ng actual gold nuggets, o malaking waterfront house.

*Ikonsidera rin ang classical Chinese feng shui cures for wealth, tiyakin lamang na gusto mo talaga ang mga ito at nababagay sa inyong home décor. Halimbawa ay feng shui aquarium (o representasyon ng specific fish), Chinese coins, wealth vase, abundance ship, laughing Buddha, citrine o pyrite crystals.

*Palaging panatilihing sariwa ang enerhiya at masigla sa pamamagitan ng paggamit ng pleasant scents at aromas, fresh flowers at ilang kandila. Kung ang erya ay maliwanag at nagpapatugtog ng musika paminsan-minsan, ito ay excellent activators ng good energy.

Lady Choi

About hataw tabloid

Check Also

Eat Bulaga Dabarkads

TVJ, Eat Bulaga nagbabu na

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGPAALAM na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at iba …

Bruce Roeland Vic Sotto

Newbie star ‘di makapaniwalang makakasama si Vic Sotto

RATED Rni Rommel Gonzales IN shock pa rin ang guwapong Sparkle star na si Bruce Roeland dahil kasama siya …

Jake Cuenca

Jake Cuenca nagkakasakit na sa dami ng trabaho

RATED Rni Rommel Gonzales NANININDIGAN si Jake Cuenca na loveless pa rin siya hanggang ngayon. Bida sina …

Romnick Sarmenta Ice Seguerra

Romnick fun experience ang mahalikan si Ice Seguerra

ni Allan Sancon MATAPOS manalo bilang Best Actor ni Romnick Sarmenta sa 1st Summer Metro Manila Film Festival sa …

Sunshine Cruz Unbreak My Heart

Sunshine napa-Naku po Lord, Ayoko nang tanungin sa lovelife 

KUNG dati’y open si Sunshine Cruz sa mga nagaganap sa kanyang buhay-pag-ibig ngayo’y alumpihit na siya sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *