Wednesday , April 17 2024

Hillmark Construction naipanalo ‘este’ panalo sa bidding ng Iloilo Convention

00 Bulabugin JSY

GAYA nga ng inaasahan nanalo sa bidding ng Iloilo Convention Center ang Hillmark Construction.

Ang bid ng kompanya ay nagkakahalaga ng P479 million.

Pero nakapagtataka kung paano nakalahok ang F.F. Cruz Construction na nagsumite ng bid na P600 milyon at ang F. Gurrea Construction na hindi nagbigay ng price bid.

Matatandaang apat na contractor ang inirekomenda ng DPWH Secretary para imbitahan sa negotiated procurement. Ang apat ay ang DMCI, EEI, Hillmark at nakahabol pa ang A. M. Oreta in Joint Venture with IBC International.

Sa info na nakalap ng ating mga DPWH ‘insider,’ mayroon isang contractor na nagsumite ng letter of intent (LOI) sa DPWH noong September 3, 2013 na naglalahad ng kagustuhan na sumali sa bidding at sa katunayan ang accreditation papers ng contractor na ay isinumite sa DPWH-Central Procurement Office (CPO).

Bago nagsumite ng LOI ang naturang kompanya, hindi naaksyonan ng DPWH-CPO ang kanilang accreditation. Ang LOI ay ipinadala ng CPO sa opisina ni Dir. Edilberto Tayao ng DPWH Region VI. Sinagot ito ni OIC Asst. Director Lea Delfinado, na tanging ang apat na kompanya lamang ang maaaring sumali sa bidding alinsunod sa memorandum ni USec. Momo na may petsang September 2, 2013.

Inaprobahan ito ni DPWH Sec. Rogelio ‘Babes’ Singson.

Dagdag pa rito, ang accreditation papers ng kompanya ay PENDING pa sa DPWH-CPO.

Ganoon pa man, noong September 20 2013, apat na araw bago ang submission ng bids, pinayagan din ng DPWH-CPO ang contractor na makalahok at pinabili ng bidding documents sa naturang proyekto na nagkakahalaga ng P50,000.

Ang tanong, kung ito ang rason na pinaninindigan ng DPWH RO VI, sa hindi nila pagpayag sa pagsali ng isang contractor, bakit pinayagan ng BAC sa pamumuno ni Marilyn Celiz na lumahok ang F.F. Cruz at F. Guerra Construction?

Hindi ba ito ay taliwas sa mga rason na sinabi nila sa isang contractor na hindi nila pinalahok sa naturang subasta?

Sa inilabas na balita ng Iloilo Dinagyang, sinabi  na “DPWH Regional Director Edilberto Tayao said that Hillmark Construction posts a bid price of P479 million against F.F. Cruz Construction of P600 million and F. Guerra without a price bid to win the contract and finish the building within 270 days.”

Mayroon din nagbigay ng INFO na ang ganitong set-up na manalo ang Hillmark at i-deny ang partisipasyon ng isang contractor ay niluto sa sabwatang Momo-Tayao plus “Julius-Caesar tandem.”

Natuklasan din na ang “Julius-Caesar tandem” ay ang alleged “TONGPATS” collector ng isang Mr. Big Man.

Sa isang ulat sa The Daily Guardian nabanggit na … “One Regional Director is mad at some of his district heads because they were not able to deliver their ‘quota’ to him. This regional director is actually the ‘bastonero’ of Mr. Big Man who has designated the combination of Julius-Caesar tandem as ‘tongpats collectors.’

Ang sinasabing Julius-Caesar tandem ay ang dalawang kapatid umano ni Sen. Franklin Drilon na sina Dr. Julius Drilon at ang dating Undersecretary ng DA na si Caesar Drilon.

Ang USec ay sangkot sa ilang anomalya sa DA kaya hindi na ini-renew ni PNoy ang kanyang appointment.

Hindi nga ba’t ipinagyayabang pa ni Tayao na may blessing siya kay Drilon?

Malinaw na kahit na may direktiba ang DPWH Central Office, patuloy pa rin itong nilalabag ng DPWH RO VI. Kahit na pinayagan ng DPWH-CPO na bumili ng bid documents at sumali ang isang contractor sa bidding, ‘di pa rin tinanggap ng DPWH-RO VI ang isinusumiteng bid proposal at pinaalis pa. Hindi pinayagan ang kanyang representative na saksihan ang proceedings sa bidding, gayong dapat ay bukas ito sa publiko.

Ano ba ang itinatago nila?

Pakisagot lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *