Thursday , June 4 2026

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 57)

 TENSYONADO SI MARIO HANGGA’T ‘DI UMAALIS ANG BARKONG SASAKYAN PATUNGONG CEBU

Mula sa pagtuntong ng mga paa sa pantalan, pagpila sa pagkuha ng tiket at hanggang sa paghihintay ng masasakyang barko patungong Cebu, sa pakiwari ni Mario ay bitin na bitin ang kanyang paghinga. Namalagi sila ng kanyang mag-inang Delia at Dondie sa pahingahan/hintayan ng mga pasahero. Batid niya na sa mga sandaling ‘yun na siya at ang iba pang mga pugante ay pinaghahanap na ng mga awtoridad. Naging malikot na malikot ang kanyang mga mata, pinipigurahan ang mga tao sa paligid. Nakaalerto siya at higit na pinatalas ang pakiramdam.

Matao pa naman ang lugar. Naroon ang mga pasaherong pasakay at galing ng barko.  Paroo’t parito ang mga porter. May nagpapasan ng mga dala-dalahang bagahe. May nagtutulak ng kariton. May mga manininda ng kung anu-ano na ikot nang ikot. Nangag-istambay ang mga tsuper ng taksi, FX at pampasaherong dyip na namimik-ap ng makokontratang pasahero. At naglisaw-lisaw rin doon ang iba’t ibang mukha ng tao.

Naging matensiyon para kay Mario ang mahigit tatlong oras na ipinaghintay nila ni Delia sa masasakyang barko. Pagod ang katawan at isipan, tinabihan niya sa tiheras ang mag-ina niyang magkatabing nakahiga roon. Tulog na ang anak nilang si Dondie, pero ang asawa niya, bagama’t mulat ang mga mata, ay sa kawalan nakatingin. (Itutuloy bukas)

Reya Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …