Friday , January 21 2022

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 54)

PINILIT NI MARIO NA MAKAPAGHATID NG MENSAHE KAY DELIA SA BOLPEN AT PALARA

Matagal-tagal siyang nanalungko sa pagkakaupo sa kalawanging lata ng biskwit na naroon sa makalabas ng tirahan ng kamanggagawa. Katagalan, si Aling Patring ang napagpasiyahan niyang  istorbohin muli.

Natagpuan ni Mario sa tabing-kalye si Aling Patring na nag-aalok-alok ng basahan sa mga nagdaraang pampasaherong dyipni. Pandong sa ulo ang isang pabilog na basahan, ang init ng araw sa tanghali ay tinitiis nito sa tatlo-sampung pisong panindang yakap ng mga butuhang mga bisig.  Pagkakita sa kanya ng matandang babae, takang-gulat itong napanganga sa harap niya.

“Makikiusap po akong muli,” bungad niya, hawak ang isang kamay ng matandang babae na kinaray niyang papasok sa isang maliit na karinderya. “Dito po tayo…”

Umorder siya ng lugaw at tokwa para sa dalawa.

Sa pagitan ng mga pagsubo sa pagkain ay ipinagtapat niya ang mga dapat malaman ni Aling Patring. Payag na payag naman sa ipinagagawa niya. Bukod sa berbal na mga tagubilin, gumamit din siya ng bolpen at palara ng sigarilyo upang maiparating kay Delia ang kanyang mga mensahe. Isinulat niya: Umuwi na si Baldo sa probinsiya. Dapat siguro’y makauwi na agad tayo sa Cebu. (Subaybayan bukas)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Lagnat, ubo, at sipon tatlong araw lang sa FGO Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po si …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

Insect bites at peklat ‘walang sinabi’sa Krystall Herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,             Ako po …

Loiegie Dano Tejada

CEO & president ng Ms L’s Beauty and Wellness artistahin

MATABILni John Fontanilla ARTISTAHIN ang CEO & President ng napakatagumpay na negosyo na Ms L’s Beauty …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion proud user, seller, at ambassador ng Beautederm

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ni Alma Concepcion na proud siya sa mga produkto …

Krystall Herbal FGO Fely Guy Ong

Ubo’t sipon ngayong taglamig, Omicron ba?

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong NITONG mga nakalipas na araw, sandamakmak ang nilalagnat, …

Leave a Reply