Thursday , December 2 2021

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 15)

LIGTAS SI MARIO SA KAMATAYAN PERO KANINO AT SINO ANG KANYANG SUSULINGAN

 

Lumikha ng pabilog na puyo ang nalabusaw na tubig. Pinaulanan ito ng bala ng mga baril ng tatlong pulis. Dito inubos ni Sarge ang kargang magasin ng hawak nitong baby armalite. Sa gigil na galit, wala itong nagawa kungdi ang magmura nang magmura.

Laking-dagat si Mario.Sanay siyang lumangoy at manisid  sa pamamana ng malalaking isda sa ilalim ng dagat. Tiniis niya ang baho at kalawanging tubig ng ilog na dinadaluyan ng mga dumi at kemikal na pinapakawalan ng mga pabrika sa paligid.   Paglutang niya, nasa kabilang pampang na siya ng ilog. Malayung-malayo na siya sa mga tumutugis.

Una niyang naisip ang pag-uwi sa pamilyang naghihintay. Ipagtatapat niya kay Delia ang lahat-lahat. Magpapasama siya sa kanyang maybahay na mag-report sa mga maykapangyarihan. Pero sino ang pwedeng makatulong sa kanya kung mismong mga awtoridad na dapat magbigay ng proteksiyon sa mamama-yan ang naghahangad sa kanyang buhay? Sa tserman ng barangay?

“B-bahala na,” kausap niya ang sarili.

Umaga na. Nakasungaw na sa mga ulap ang masiglang liwanag ng araw. Ang kapitbahay na panggabi sa call center ay nakasabay na niya sa daang pauwi. Ang matandang babae na naglalako ng pang-almusal na pandesal ay nakasalubong niya sa kanilang looban. Tila nagmamaraton ang mga papasok sa trabaho, eskwela at opisina. Bukas na rin ang tindahan ng sari-sari sa tabi ng kanilang inookupahang bahay. Mag-aala-sais na, tantiya niya.

(Subaybayan bukas)

Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja nakatagpo ng proteksiyon at pampalakas ng resistensiya

MATABILni John Fontanilla DOUBLE Celebration ang naganap noong Nov. 25, 2021 dahil bukod sa kaarawan ng CEO/President ng …

Krystall Herbal Oil

Talsik ng mantika sa mukha hindi naglintos dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Cebu Pacific Air Airbus A330neo Cebpac

Unang Airbus A330neo dumating na Cebu Pacific, ‘greenest airline’ sa Asya

DUMATING na ang kauna-unahaang Airbus A330neo (New Engine Option) ng Cebu Pacific, nitong Linggo, 28 …

Andrea Brillantes Rhea Tan Beautederm

Andrea Brillantes, thankful kay Rhea Tan sa pagiging Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters endorser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABIS ang kaligayahan ng teen actress na si Andrea Brillantes …

Leave a Reply