Wednesday , May 18 2022

Alyas Dennis ‘BIR’ ala-Napoles sa mga sabungan (Attn: BIR Comm. Kim Henares)

00 Bulabugin

ALAM kaya ni Bureau of Internal Revenue Commissioner KIM HENARES na mayroon siyang isang empleyado na mas madalas makita sa mga SABUNGAN d’yan sa lalawigan ng Rizal kaysa tanggapan na kanyang pinapasukan?!

Kung hindi n’yo pa alam Madam KIM, ‘e ito ang ilang INFO.

Isang alyas DENNIS BIR ang animo’y JANET LIM NAPOLES kung magbuhos ng KWARTA sa mga SABUNGAN.

Talagang KWARTA as in MILYONES ang IPINATATALO ni alyas  DENNIS BIR sa mga sabungan gaya d’yan sa Texas Cockpit sa Antipolo, San Roque sa Marikina, sa Santa  Monica Cockpit at sa San Juan Coliseum.

Talagang style rich and famous daw ‘yang si alyas Dennis ‘d menace’  BIR.

Bukod sa umaagos na milyones sa sabungan, sandamakmak din ang kasa-kasamang bodyguards … as if … hebigat na government  official.

Kung si Madam KIM HENARES nga na Commissioner ng BIR ay walang bodyguard, ang empleyado niyang si alyas Dennis BIR ay sandamakmak ang bodyguards.

Pero kahit na laging nasa sabungan si alyas Dennis ay marami namang nabubwisit at naaasar sa kanya, kaya makita pa lang siyang pumapasok ‘e iniiwasan na siya ng mga tao.

Alam n’yo ba kung bakit? ‘E grabe ang ‘BIGAT’ ng kanyang kamay.

Lahat ng maraanan ay ‘BINABATUKAN.’

Tsk tsk tsk …

Kaysa nga naman mapatulan ang isang ubod nang hangot at yabang na gaya ni alyas Dennis BIR ‘e iniiwasan na lang siya ng mga taga-sabungan.

Ang tanong: SAAN kumukuha ng MILYONES si alyas Dennis para WALDASIN sa SABUNGAN!? Sinong mataas na BIR official ang pinagsisilbihan niya bilang isang bagman?

At kung mas madalas na NAKIKITA siya sa SABUNGAN, e paano pa niyang nagagampanan ang kanyang trabaho sa BIR?

Madam KIM HENARES, pakibusisi lang ang LIFESTYLE ng tao mong si alyas DENNIS BIR!

Nagtatrabaho pa ba ‘yan? O puro sabong na lang?

At higit sa lahat saan siya kumukuha ng MILYONES para ipansabong?

Pakisagot lang po!

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.7630 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About hataw tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply