Monday , October 18 2021
BAKAS ni Kokoy Alano
BAKAS ni Kokoy Alano

Yorme Isko matapang! Doc Willie kinakabahan?

BAKAS
ni Kokoy Alano

MARAMI ang nagtatanong kung bakit napakalakas ng loob nitong si Yorme Isko Moreno na tumakbo bilang Presidente gayong hindi pa nga nakatatawid sa unang termino ng kaniyang pagiging mayor ng Maynila. May mga espekulasyon na umano’y hindi naman totoong kalaban ng administrasyong Duterte dahil isa siya sa naging appointee ni Pres. Duterte bilang undersecretary ng DSWD bago tumakbo bilang alkalde ng Maynila.

Naging magkaalyado din sina Yorme Isko at dating Pres. Erap Estrada nang tumakbong Mayor at Vice Mayor ng Maynila pero naging magkalaban sila noong 2019 local election kaya anong nakapagtataka kung maging magkalaban si Yorme Isko at partido ni Pres. Digong sa eleksiyon? E, ganyan naman talaga ang poulitika… may iba pa ba?

Dahil sa maraming sumusuporta ngayon kay Yorme Isko na kilalang malalaking negosyante at politiko na bumabakas sa panahon ng eleksiyon, nakapag-iisip  tuloy ang mga antigong supporters ni Yorme Isko na baka mangyaring magkaamnesiya din siya pagkatapos ng eleksiyon at madengoy lang  sila. Madalas kasing gano’n ang nangyayari, ‘di ba?

Hindi pa nakabubuo ng senatorial slate ang partido ni Yorme Isko pero nakakaramdam na ang mga political observers na dadagsa ang aplikante dito sa mga susunod na araw kapag nagpatuloy ang pamamayagpag ng partido ni Yorme Isko dahil malakas talaga ang hatak nito sa NCR na malaking bagay sa isang senatorial candidate

Nakapanlulumo lang pakinggan ang acceptance speech ni Doc. Willie Ong na maluwag daw naman niyang tatanggapin kung matatalo siya sa eleksiyon? Aba teka nga, aba’y umurong ka na kung mabigat ang loob mo sa pagtakbo at baka maging minus factor ka pa kay Yorme Isko! Ano ba ‘yan?

About Kokoy Alano

Check Also

PANGIL ni Tracy Cabrera

Sa huli, si Inday pa rin…

PANGILni Tracy Cabrera A wise man can learn more from a foolish question than a …

Bulabugin ni Jerry Yap

Gibaan sa socmed rumatsada na publiko mag-ingat sa fake news

BULABUGINni Jerry Yap MGA MAGULANG panahon ngayon para bantayan o turuang maging matalas ang inyong …

Balaraw ni Ba Ipe

Balik si Gibo

BALARAWni Ba Ipe TAOS-PUSONG pagbati kay Maria Ressa a pagwawagi ng Nobel Peace Prize. Sumasaludo …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Handa na sa gera ang Taiwan, tayo ba?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKAAALIW ang mga palitan ng kuro-kuro sa social media …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gov. Suarez, anak, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

AKSYON AGADni Almar Danguilan KINASOHAN pala sa Ombudsman si Quezon Province Gov. Danilo Suarez. Ito …

Leave a Reply