Saturday , October 16 2021

Tetay, galit sa magnanakaw

WAPAKELS as in walang pakialam si Kris Aquino kung maubos man ang kanyang yaman makamit lang niya ang kanyang hinihinging katarungan laban sa taong nanloko sa kanya sa pera.

Sa wakas, natukoy na ang pagkakakilanlan ng taong ‘yon bilang si Nicko Falcis, na ipinuwesto ni Kris sa kanyang production company.

Kaagad din namang to the rescue ang abogadong kapatid nito para itangging hindi ito sumibat sa bansa para takasan ang kaso. Earlier ay sinabi ni Kris na flight is an admission of guilt. Natatakot lang iyong bumalik ng bansa dahil daw sa banta ni Kris.

Hinahawakan pa umano nito sa leeg ang buong prosecutor’s office sa San Juan para hindi umusad ang kaso.

Pinaratangan ng kapatid na sinungaling si Kris. If true, aba, eh, ‘di magkontra-demanda sila laban kay Kris, abogado pala siya.

Pero desisdido si Kris, ilalalaban niya ang kaso hanggang sa huli. Yes, even up to her last centavo. Aniya, galit siya sa magnanakaw.

Kris found a perfect timing nang sabihin niya ‘yon. Halos kasunod lang din kasi ng pahayag na ‘yon ang conviction kay dating Unang Ginang at Congress­woman Imelda Marcos sa pitong bilang ng graft, na nito lang nadesisyonan.

Marami na ang nasabi’t nasulat tungkol sa nasabing kaso. Ang hinihintay na lang ng taumbayan ay ang makitang arestado na si Imelda tulad ng sinumang nagkasala sa batas.

Umaapaw sa social media ang ‘di na mabilang na opinyon ng bayan, most if not all of which are in favor of Imelda’s arrest habang nagngingitngit ang taumbayan sa obyus na preferential treatment na iginagawad sa 89 year-old lady.

The majority of the Filipinos want to see Imelda inside her prison cell tulad ng sinumang nagkasala sa batas.

Isinasatinig lang ni Kris ang panawagan indirectly involving her case, pero ‘yun din ang tinutumbok ng kanyang I-hate-thieves stand.

Tanong: kung nagkataon bang nasa puwesto pa rin ang kanyang Kuya Noynoy at the time that multi-million qualified theft was committed, napadali kaya ang kaso ni Kris?

Puwedeng oo, puwede ring hindi.

Remember that when Cory Aquino was stripped of her plain housewife role at maging Presidente, ang utak sa likod ng pagkakapaslang sa kanyang asawang si Ninoy noong 1983 ay hindi pa natutukoy. Pero iniuugnay ‘yon particular kay Imelda.

Had Kris lost her millions (pero P1.2-M lang daw pala ang “nakulimbat” mula sa kanya) under her brother’s term, hindi naman niya siguro para gamitin ang kanilang kapangyarihan to protect her personal interest.

Pero sige, Kris, ipursige mo ang iyong kaso.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gary Valenciano

Gary muling nanganib ang buhay

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para sa idol naming si Mr. Pure Energy Gary …

RS Francisco

RS Francisco no to politics

MATABILni John Fontanilla ILANG buwan na lang at magaganap na ang Halalan 2022, pero noon …

Rabiya Mateo

Rabiya tututukan muna ang showbiz career

MATABILni John Fontanilla WALANG balak na muling sumali sa ibang beauty pageant ang 2020 Miss Universe …

Boy Abunda, Times Square, New York

Boy Abunda nanggulat sa digital billboard sa Times Square

HARD TALK!ni Pilar Mateo NASA New York, USA ang King of Talk na si Boy Abunda para …

Kylie Padilla, Aljur Abrenica, AJ Raval

Kylie ok sa relasyong Aljur-AJ — Gusto ko maging masaya siya sa buhay niya

MA at PAni Rommel Placente SA panayam ng Pep.ph kay Kylie Padilla, hiningan siya ng …

Leave a Reply