Thursday , April 25 2024
Sylvia Sanchez Rhea Tan Beautederm
Sylvia Sanchez Rhea Tan Beautederm

Sylvia sunod-sunod ang blessings

MATABIL
ni John Fontanilla


MASAYA si Sylvia Sanchez sa sunod-sunod na blessings na dumarating sa kanya.

Bukod sa nominasyong Movie Actress of the Year sa 36th Star Awards For Movies para sa Jesusa, nominado rin siya sa 34th Star Awards For Television bilang Best Drama Actress para sa Pamilya Ko.

Dagdag pa rito ang muling pagpirma nito ng panibagong kontrata sa Beautederm ni Rhea Anicoche Tan (CEO/President) na nagse-celebrate ng kanilang ika-12 anibersaryo.

At ang pinaka-latest, ang pagiging bahagi ng lumalaking pamilya ng Bench, na makikita ang naglalakihang billboard.

Regular din napapanood si Sylvia sa top rating teleserye ng ABS-CBN, ang Wag Kang Mangamba bilang si Barang.

At sa dami ng blessings na dumarating kay Sylvia, pasasalamat ang gusto niyang ibalik sa Diyos at sa mga taong naniniwala sa kanya at kumukuha sa kanyang serbisyo.

About John Fontanilla

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *