Sunday , October 17 2021

Senate president ikinustodiya si Trillanes

ISINAILALIM si Senador Antonio Trillanes IV sa kustodiya ni Senate President Vicente Sotto III makaraan ipawalang-bisa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang amnestiya at iniutos ang pag-aresto sa senador.

Sinabi ni Trillanes, dating Navy officer na lumahok sa kudeta laban sa Arroyo administration, ang nabuong desisyon ay makaraan makipag­pulong siya kina Sotto at Minority Leader Franklin Drilon.

“Kakakausap lang namin kay Senator Sotto. I was placed in the custody of the Senate President,” pahayag ni Trillanes sa press con­ference.

Sinabi ni Trillanes, ang kanyang mga abo­gado ay maghahain ng mga kailangang petisyon sa Supreme Court laban sa Proclamation 572 ni Duterte, nakasaad na ang amnestiyang ipinag­kaloob sa senador ay walang bisa sa simula pa lamang dahil hindi siya sumunod sa “minimum requirements to qualify under the amnesty pro­clamation.”

Habang nasa kusto­diya, mananatili si Trillanes sa loob ng bisinidad ng Senado.

Sinabi ni Sotto, ang kanyang desisyon na ikustodiya si Trillanes ay upang mapanatili ang dignidad ng Senado.

“I have consulted with some members of the Senate already, to preserve the dignity of the Senate, we have to not allow any senator to be arrested in the Senate premises. Outside the Senate premises, that’s no longer our concern but within the Senate premises that’s the decision of the leadership,” pahayag ni Sotto sa mga mama­maha­yag bago ang sesyon.

Kinompirma niyang si Trillanes ay mananatili sa Senado ngunit magkak­aroon ng caucus ang mga senador upang talakayin ang mga limitasyon.

“Hindi ko pa masabi (kung ano ang limita­tions). Tingnan natin kung ano ang sasabihin ng ibang senador because there are other perspective siyempre from those who have experienced the same and those who have not experience the same and looking at it at a different perspective,” pahayag ni Sotto.

(CYNTHIA MARTIN/NINO ACLAN)


Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
Alam ni Ex-PNOY: Amnestiya depektibo
Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution
Salag ni Trillanes: Pagbawi political persecution
Pagbawi sa amnestiya kay Trillanes, Kabaliwan — Solon
Pagbawi sa amnestiya kay Trillanes, Kabaliwan — Solon
Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan
Utos ni Duterte: Trillanes ibalik sa kulungan

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply