Sunday , October 17 2021

Quezon City, all out ang suporta sa Pista ng Pelikulang Pilipino

READ: Hiro Nishiuchi, Haponesang grabe ang pagmamahal sa Pilipinas
READ: Pista at the Park Grand Fans Day and All Star Caravan

KAUGNAY ng pagdiriwang ng ika-100 taon ng pelikulang Filipino, malaking bahagi ang gagampanan ng lungsod Quezon sa ikawalang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa ilalim ng pamamahala ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Mainit ang naging pagtanggap ng QC, sa pangunguna ni Vice Mayor Joy Belmonte, sa imbitasyon ng FDCP na maging host ng iba’t ibang selebrasyon at aktibidades ng PPP ngayong taon.

Ang walong pelikulang kabilang sa taong ito ay ang mga sumusunod: Ang Babaeng Allergic sa Wifi na pinangungunahan ni Sue Ramirez na idinirehe ni Jun Lana; isang ‘musical’ ni Jason Paul Laxamana, ang Bakwit Boys; Ang Madilim Ang Gabi ni Adolfo Alix Jr., na tampok sina Gina Alajar at Phillip Salvador; ang Pinay Beauty ni Jay Abello na pinagbibidahan ni Chai FonacierSignal Rock ni Chito S. Rono na kasama si Christian BablesThe Day Ater Valentine’s ni Laxamana tampok sina Bela Padilla at JC SantosUnli Life ni Mike Lavelo kasama si Vhong Navarro; at ang We Will Not Die Tonight ni Richard V. Somes na pinangungunahan ni Erich Gonzales.

Ang mga pelikulang ito ipalalabas sa lahat ng sinehan sa bansa simula Agosto 15 hanggang Agosto 21.

Since the city has already shown its commitment to helping local filmmakers through the QCinema International Film Festival, FDCP wanted to partner with us to further promote PPP. Although PPP will be rolled out nationwide, the conferences, seminars, float parade and Grand Fans Day will be held here in the City of the Stars,” pahayag ni QC Vice Mayor Belmonte.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cassy Legaspi, Beautederm, Rhea Tan

Rhea Tan thrilled kay Cassy Legaspi – She embodies the vibrancy of youthfulness

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio BAHAGI na ng lalo pang lumalaking pamilya ng Beautederm Corporation ang TV …

Gary Valenciano

Gary muling nanganib ang buhay

MA at PAni Rommel Placente MASAYA kami para sa idol naming si Mr. Pure Energy Gary …

RS Francisco

RS Francisco no to politics

MATABILni John Fontanilla ILANG buwan na lang at magaganap na ang Halalan 2022, pero noon …

Rabiya Mateo

Rabiya tututukan muna ang showbiz career

MATABILni John Fontanilla WALANG balak na muling sumali sa ibang beauty pageant ang 2020 Miss Universe …

Boy Abunda, Times Square, New York

Boy Abunda nanggulat sa digital billboard sa Times Square

HARD TALK!ni Pilar Mateo NASA New York, USA ang King of Talk na si Boy Abunda para …

Leave a Reply