Sunday , October 17 2021
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Puwede pala! Pagdinig ng Kamara sa 2020 National Budget, tapos na

MABILIS na tinapos ng House Appropriations Committee ang pagdinig sa pambansang badyet sa loob lamang ng ilang araw.

Ayon sa pinuno ng komite na si Rep. Isidro Ungab, “in record time” nilang tinapos ang pagtalakay sa pambansang badyet dahil na rin sa hangarin ng liderato ng kamara na maaprobahan sa kongreso ang badyet bago ang 4 Oktubre 2019.

Kinompirma ni Cong. Ungab, ipinag-utos ni Speaker Alan Cayetano na 5:00 pm, umpisahan ang sesyon upang matalakay ng kanyang komite ang badyet hanggang apat na departamento at ahensiya ng gobyerno mula Lunes hanggang Biyernes kasama ang pagsiguro na walang ‘pork’ at ‘illegal insertions’ ang 2020 National Budget.

Si Speaker Cayetano rin, ang sinabi ni Cong. Ungab na nagrekomenda na ang mga vice chairman na bawat komite ang magsasagawa ng pagdinig sa badyet matapos pormal na buksan ang hearing upang mas maging mabilis ang proseso at walang masayang na oras. Kaya naman sobra-sobra ang pasasalamat ni Cong. Ungab sa liderato ng kamara at sa kapwa mga kongresista na tumulong sa mabilis at epektibong proseso ng budget hearings.

Pinasalamatan din niya ang mga kongre­sistang tumugon sa tawag ng tungkulin sa pag-aaral at pagrepaso sa isinumiting badyet ng mga ahensiya ng gobyerno upang matukoy ang kahalagahan ng popondohang mga programa.

Tinukoy ni Cong. Ungab ang presensiya ng mga kalihim at pinuno ng government depart­ments at agencies sa budget hearings dahil mabilis na nasasagot ang katanungan ng mga kongresista.

Kung babalikan ang mga nakaraang budget hearings sa kamara, kadalasan ay inaabot hang­gang ikatlong linggo ng Setyembre ang pag­dinig, ngunit sa liderato ni Cayetano, natapos ang pagdinig nitong Biyernes, 6 Setyembre.

Makasaysayan talaga. Umpisa na rin bukas, 10 Setyembre ang sponsorship at floor deliberations sa HB 4228 o pambansang badyet. Target ng Kamara na mapagtibay ang panukala bago ang 4 Oktubre.

Ayon nga kay Speaker Cayetano, work, work, work ang nasa puso ngayon ng mga kongresista upang masiguro ang hangarin ni Digong na ligtas at komportable ang buhay para sa mga Filipino.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bulabugin ni Jerry Yap

Gibaan sa socmed rumatsada na publiko mag-ingat sa fake news

BULABUGINni Jerry Yap MGA MAGULANG panahon ngayon para bantayan o turuang maging matalas ang inyong …

Balaraw ni Ba Ipe

Balik si Gibo

BALARAWni Ba Ipe TAOS-PUSONG pagbati kay Maria Ressa a pagwawagi ng Nobel Peace Prize. Sumasaludo …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Handa na sa gera ang Taiwan, tayo ba?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKAAALIW ang mga palitan ng kuro-kuro sa social media …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Gov. Suarez, anak, sinampahan ng kaso sa Ombudsman

AKSYON AGADni Almar Danguilan KINASOHAN pala sa Ombudsman si Quezon Province Gov. Danilo Suarez. Ito …

Bulabugin ni Jerry Yap

Kathniel’s fans hindi konsintidor sa pagiging ‘ingrata’ ng ina ng aktor (Sa paghahain ng CONA ni Karla Estrada)

BULABUGINni Jerry Yap IBANG klaseng manindigan ang fans ng love team na Kathryn Bernardo at …

Leave a Reply