Monday , October 18 2021
Botolan, Sta Cruz, Zambales

Pugante, 9 taon nagtago, nasukol sa Zambales

NADAKIP ng mga awtoridad nitong Sabado, 25 Setyembre, ang itinuturing na most wanted person ng Botolan, Zambales, sinabing siyam na taon nagtago sa batas.

Ayon kay P/Col. Romano Cardiño, acting provincial director ng  Zambales PPO, nagsagawa ng manhunt operation ang magkatuwang na puwersa ng Botolan MPS, Sta. Cruz MPS, 1st PMFC ZPPO, at 305th MC, RMFB3 sa Shang Fil Port na matatagpuan sa Purok 1 Brgy. Bolitoc, sa bayan ng Sta. Cruz, lalawigan ng Zambales.

Sa ikinasang operasyon, naaresto ang suspek na kinilalang si Cesar Zalon, 40 anyos, manggagawa sa Tañedo Trucking Company at kasalukuyang naninirahan sa Purok 4, Brgy. San Fernando, sa nabanggit na bayan.

Nabatid na may nakabinbing warrant of arrest laban kay Zalon para sa kasong paglabag sa Section 5, Paragraph 1 ng RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 na nilagdaan ni Presiding Judge Josefina Farrales, ng Iba RTC Branch 69, may petsang 29 Pebrero 2012. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply