Friday , October 15 2021

Probe vs frigate project isinulong ng senate opposition

NAGHAIN ang mga miyembro ng Senate minority bloc ng resolusyon, hinihiling ang imbestigasyon sa kontrobersiyal na pagbili ng dalawang Philippine Navy frigates, sa gitna ng mga ulat na “nakialam” ang close aide ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Bong Go, sa nasabing proyekto.

Inihain ni Minority Leader Franklin Drilon, kasama sina Senators Francis “Kiko” Pangilinan, Paolo Benigno “Bam” Aquino IV, Risa Hontiveros, Leila de Lima, at Antonio Trillanes IV, ang Senate Resolution No. 584, nag-uutos sa committee on national defense and security, gayondin sa congressional oversight committee on the Armed Forces of the Modernization (AFP) Act, na magsagawa ng imbestigasyon.

Anila, naglalayon ang resolusyon na determinahin kung ang pagbili ng frigates ay “promotes the goals of the modernization program and complies with pertinent laws.”

Inihain nitong Martes, nabanggit sa resolusyon ang pagsibak kay Vice Admiral Ronald Joseph Mercado bilang Navy’s Flag Officer in Command (FOIC) nitong nakaraang buwan, bunsod ng umano’y hindi pagsang-ayon sa pagpapatupad ng  P16-billion project.

Magugunitang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, sinibak si Mercado sa posisyon dahil sa umano’y pag-jeopardize sa frigate acquisition project, at binigyang-diin na may ibang kompanyang napipisil ang huli para sa bibilhing combat management system (CMS) para sa warships

Ang pagbili ng frigates ay inisyatiba ng administrasyong Aquino. Ang kontrata ay nilag­daan sa ilalim ng administrasyong Aquino, at kabilang sa biggest items sa AFP modernization program, ayon sa minority bloc.

Ang Hyundai Heavy Industries ang nanalo sa bidding sa pagbuo ng dalawang warships.

Habang ang HHI ay pinili ang Hanwha Thales ng South Korea para sa paglalaan ng CMS.

Ngunit sinasabing iginiit ni Mercado na piliin ang Tacticos Thales ng The Netherlands.

Ayon sa resolusyon, bumuo si Lorenzana ng steering committee, na nagsumite ng resolusyon na nagpapatibay sa desisyon ng Hyundai sa pagpili sa Hanwha Thales.

“There have been allegations that the formation of the said committee, in the first place, violated the Government Procurement Act,” pahayag ng minority senators.

 

About hataw tabloid

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply