Saturday , October 16 2021

Probe vs Digong’s ill-gotten wealth squid tactic (Para makalusot sa Dengvaxia, Mamasapano)

SQUID tactic ni Sen. Antonio Trillanes IV ang pagsusulong ng Senate probe sa umano’y ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte para mailihis ang isyu palayo sa Dengvaxia scam at Mamasapano tragedy na sabit ang ‘benefactor’ niyang si dating Presidente Benigno Aquino III.

Sinabi ni Labor Undersecretary Jing Paras sa press conference kahapon, naniniwala ang grupo niyang Vanguard of the Philippine Con­stitution,  na tumatanaw ng utang na loob si Trillanes kay Aquino dahil ang dating pangulo ang nagpalaya sa kanya sa bisa ng amnestiya mula sa pitong taon pagkakabilanggo.

Matatandaan, sinampahan ng kaso si Aquino sa Comelec sa paglabag sa Omnibus Elaction Code dahil pinayagan maglabas ng P3.5 bilyon public funds para bilhin ang Dengvaxia vaccine, 40-araw bago ang May 2016 national elections.

Habang kaugnay sa Mamasapano tragedy ay sinampahan si Aquino ng kasong graft at usurpation of authority sa Ombudsman.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply