Saturday , October 16 2021

People Power vs Duterte suntok sa buwan (Sa frigate deal)

NANANAGINIP ang oposisyon sa pag-aakalang makapagmomobilisa sila ng people power upang mapabagsak ang administrasyong Duterte at sila ang maluluklok sa Palasyo sa pagdawit kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa P15.7-B Philippine Navy frigate project.

“Well, iyong mga kritiko, iyong mga hindi makapag-antay po. Iyong mga nananaginip ng another people power para makaupo iyong kanilang gustong maging presidente! Hindi po ganoon ang demokrasya sa Filipinas; may termino po iyan, mag-antay tayo,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque hinggil sa akusasyon kay Go na inimpluwensiyahan ang frigate project.

Sinang-ayonan ni Roque ang pahayag ni Go sa Senate hearing na ang mga gustong magpatalsik at agawin ang poder kay Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang nagpupursigeng isabit siya sa frigate deal.

“I’m sure iyong mga gahaman sa kapangyarihan na hindi makaantay sa susunod na eleksiyon na gusto nang paalisin ang Presidente, samantalang may mandato ang Presidente hanggang 2022,” ani Roque tungkol sa ibinunyag ni Go sa Senado kung sino ang may pakana ng pagda-wit sa kanya sa frigate project.

Sa pagharap kahapon ni Go sa pagdinig ng Senado, nabanggit niya na may mga grupong gustong gamitin ang isyu ng frigate deal para hindi matuloy ang proyekto at maisisi kay Pangulong Duterte.

Nanawagan si Roque sa mga opisyal sa ibang sangay ng gobyerno tulad ng lehislatura at hudi­katura, huwag sanang gamitin ang kani- kanilang mga posisyon para magparatang ng mga bagay-bagay na walang ebidensiya.

Sa kaso aniya ni Sen. Antonio Trillanes IV, nabigyan ang mambabatas ng pagkakataong magkaharap sila ni Go sa Senate hearing ngunit walang naipresentang matibay na ebidensiya laban sa SAP.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply