Saturday , October 16 2021
Rolando Andaya Jr
Rolando Andaya Jr

Paliwanag ni Andaya ikinatuwa ng Palasyo (Sa isyu ng pork sa 2019 budget)

NASIYAHAN ang Pala­syo sa naging paliwanag ni House Majority Lead­er at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., hinggil sa akusasyon na mga kaalyado ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang mabibigyan ng malaking alokasyon sa 2019 national budget.

“We appreciate the gesture of House of Representatives Majority Floor Leader Represen­tative Rolando G. Anda­ya, Jr., for immediately addressing the issue and explaining the proposed infrastructure allocation for the second district of Pampanga next year,” ayon sa kalatas ni Pre­sidential Spokesman Sal­va­dor Panelo.

Tiniyak ni Panelo na hindi kokonsintihin ng Palasyo ang anomang paglabag sa mga batas kaugnay sa budget kahit  iginagalang ng Malaca­ñang ang “separation of powers and indepen­dence” ng sangay ng ehekutibo at lehislatura.

Ipinauubaya aniya ng Palasyo sa Kongreso ang pagbusisi sa budget at anomang pagwawasto, pag-amiyenda upang matiyak na pantay na mabibigyan ang lahat ng distrito ng oportunidad para umunlad at mapag­kalooban ng mga serbisyo alinsunod sa pangako ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te na makararanas ng komportableng buhay ang lahat ng mga Fili­pino.

Sa kanyang privilege speech kamakalawa, ini­la­had ni Andaya na mga kaalyado ni dating Speak­er at Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez ang nakakuha ng malaking alokasyon sa 2019 bud­get. Isiniwalat ni Andaya na iisa lang ang contractor na kinuha para sa bilyon-bilyong pisong halaga ng mga proyekto, ang C.T Leoncio Cons­truction and Trading Company sa Bulacan.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

1,000 benepisaryo ng “Cash For Work” tumanggap ng 4k (Sa Parañaque City)

AABOT sa 1,000 displaced workers mula sa iba’t ibang barangay sa District 1 ng Parañaque …

shabu drug arrest

Live-in partners, isa pa timbog sa buy-bust

SWAK sa kulungan ang live-in partners at isa pa sa isinagawang buy bust operation ng …

Ilegal na troso nasamsam sa Bulacan

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang mga ilegal na troso mula sa apat katao sa isinagawang …

9 tulak, 2 pugante deretso sa hoyo (Sa 24-oras police ops sa Bulacan)

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang siyam na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at dalawang pugante …

2 tulak sa Nueva Ecija todas sa buy bust ops (Pumalag, nanlaban)

TUMIMBUWANG ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang makipagbarilan sa pulisya sa ikinasang …

Leave a Reply