Monday , October 18 2021

Paglaya ni Bong Revilla, inaabangan na

IN no time soon ay magbubunyi na ang buong pamilya’t mga tagasuporta ni dating Senator Bong Revilla.

At bakit? Maugong kasi ang balitang lalaya na sa wakas ang aktor-politiko na apat na taon ding nakabilanggo sa PNP Custodial Center kaugnay ng kinakaharap na PDAF case sa ilalim noong  Aquino administration.

Matatandaang binusisi ang kaso sa pangunguna ni dating DOJ Secretary Leila de Lima (na nasa piitan din ngayon) laban sa dalawa pang kabaro ni Bong na sina Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada, gayong nakapagtatakang ang isinasangkot ding si dating Budget Secretary Butch Abad ay nag-e-enjoy ng kanyang kalayaan.

Pinanini­walaang ang ‘di pagpaparusa kay Abad ay may basbas umano ni dating Pangulong Noynoy Aquino. Maging ang sinasabi kasing mastermind sa likod ng scam na si Janet Napoles ay tikom din ang bibig.

Pero magwawakas na raw ang matagal nang inaasam-asam na verdict na nararapat lang kay Bong, ang ito nga’y makalaya para mamuhay tulad ng pangkaraniwang mamamayan.

Paniniyak naman ni Bong sa kanyang paglaya’y buong tapang niyang haharapin ang kasong iniuugnay sa kanya. Wala sa isip niya ang tumalikod o tumakas.

Apat na taong ninakawan ng kalayaan ay hindi biro sa kaso ni Bong. Ilang Pasko, kaarawan niya at mahahalagang petsa sa buhay niya ang lumipas habang nagdurusa siya sa piitan.

Dahil nagsimula na nga ang “ber” months ay inaasahan ng kanyang mga mahal sa buhay na pasasaan ba’t merry ang kanilang Christmas this year.

Kasabay siyempre ang paniniwalang mapapatunayan ni Bong na mali ang paratang laban sa kanya.

Eh, ‘di wow!

(RONNIE CARRASCO III)

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Mother Lily Monteverde, Regal

Mother Lily may panawagan — Let us help save our movies, our theaters, our entertainment industry

I-FLEXni Jun Nardo OPTIMISTIC ang Regal producer na si Mother Lily Monteverde na maka-”bounce back and become better!” Bahagi …

Vilma Santos thumbs up

Ate Vi dinudumog na ng mga produ

HATAWANni Ed de Leon MASYADONG busy na naman ang mga communication line ni Ate Vi (Congw. Vilma Santos) …

Janine Gutierrez

Janine Gutierrez itinanggi basang kili-kili tweet; BBM supporters kuyog

FACT SHEETni Reggee Bonoan MARIING itinanggi ni Janine Gutierrez ang umano’y viral tweet niya na pinansin …

Alfred Vargas, PM Vargas

Ngiting Artista Program nina Alfred at PM mala-Shaina, Julia smile

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NOON pa man palangiti na si Alfred Vargas. Hindi nga namin …

Blind Item Corner

Panloloko ni actor nabisto ni showbiz gay

ANG akala ng male starlet ay totoong baliw na baliw na sa kanya ang showbiz gay. Ang balak lang …

Leave a Reply